Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
CRISTINE AT DENNIS, HIWALAY NA DIN!
Career-move daw ang dahilan kuno!
TIYAK na may nagpipyesta ngayon sa balitang hiwalay na sina Cristine Reyes at Dennis Trillo. Nag-split ang dalawa last Wednesday. Career-move ang dahilan kung bakit nag-decide sina Dennis at Cristine to part ways at tapusin na ang kanilang tila dinidelubyong relasyon.
Sa kanilang hiwalayan, mas affected si Cristine. Napansin ito ng staff ng Kahit Isang Saglit. Kasama dito si Cristine.
Ayon sa isang reliable source, mutual na napagkasunduan nina Cristine at Dennis to call it quits. Parehong naapektuhan ang kanilang career sa kanilang relasyon.
Sa career, mas apektado si Dennis. Oo nga’t may mga shows siya sa GMA 7, pero tila slow ang pag-usad nito. While Cristine naman, kaliwa’t kanan din ang shows sa ABS, hindi makabuwelo nang husto dahil sa relasyon nila ni Dennis.
Though naghiwalay na, the fact remains na mahal na mahal nila Dennis at Cristine ang isa’t isa.
SAM AT ANNE, SPLIT NA!
Nagkakasakalan na nga ba?
KUMPIRMADONG hiwalay na sina Sam Milby at Anne Curtis.
Naghiwalay sina Sam at Anne noong Martes last wee. “Indifferences” ang dahilan ng split.
Si lalake ang nakipaghiwalay sa babae.
Ito na ang sinasabi ko sa mga showbiz romances. Hindi pa man nila inaamin ang kanilang relasyon, hiwalay na.
Matapos na mag-decide to call it quits, nagkakailangan na sina Sam at Anne. Nahihirapan pa ang direktor na si Wenn Deramas sa mga romantic scenes ng dalawa.
Well, let’s see kung sino ang unang aamin sa split.
Sa totoo lang, OA na din kasi sila sa sweetness. Mag-solo solo na lang sila, no!
MGA ENTERTAINMENT REPORTER, LAMAN NG MAPANIRANG CHAIN EMAIL
Para linisin daw ang entertainment industry! Hmph!
YES, mga entertainment reporters ang laman ngayon ng isang email na umiikot sa internet.
The said email contains revelation sa mga malpractice ng entertainment press. At kung paanong inaabuso ng press ang kanilang propesyon bilang manunulat.
Matapang ang pagkakasulat ng chain email. Hindi mo rin masasabing 100% factual. May ilang reporters na dapat ay kasama sa mga nilalait pero hindi nasama ang mga ito.
Mas bongga kung lalantad ang sinumang nagsulat ng chain email para magkaalaman kung may basehan ang kanyang sinulat o sadyang paninira lang ito. Or shall we say, inggit lang ang nagsulat.
ANO BA TALAGA ANG PROBLEMA MO, JOEY DE LEON?
Pati ang nananahimik na si Pokwang pinatulan mo!
HINDI siguro in-expect ni Joey de Leon na makakarating sa Pilipinas ang mga nasty comments niya tungkol sa Wowowee nang mag-show ang tropa ng Eat Bulaga sa Los Angeles, California kamakailan.
Matapos ma-upload sa youtube.com ang video na tinawag ni Joey na “Pokwang Aswang” ang comedienne/TV host na si Pokwang, umaani ngayon ng panlalait ang Eat Bulaga host dahil sa kanyang statement.
Nakakalokah!
Sa comments section ng said video, katakut-takot ang panlalait kay Joey dahil sa kanyang sinabi against Pokwang.
Sa episode ng Wowowee noong Lunes, ipinagtanggol ni Willie Revillame ang kanyang lady co-host. Hindi napigilan ni Pokwang na maluha.
Hindi na talaga maawat ang kabastusan ng bibig ni Joey.
Ano ba talaga ang problema mo, Joey?
MARK BAUTISTA, GUSTO NANG LUMIPAT SA KAPUSO
Dahil walang masyadong projects sa Kapamilya
HINDI na happy si Mark Bautista sa exposure niya sa Kapamilya network.
Feeling niya, hindi na siya naggu-grow as an artist. He believes na mas mabibigyang siya ng magandang exposure sa GMA. Kinausap na ni Mark ang Viva Entertainment sa gusto niyang mangyari.
Bukod sa pagkanta, gusto ni Mark na magkaroon din ng acting exposure. Pero sa dami ng male stars ng ABS-CBN, hindi niya nakukuha ang gusto niya.
For now, he is only seen in ASAP 08.
May magandang offer ang GMA kay Mark na posibleng tanggapin nito.
Kung magiging happy ka sa GMA, go for gold Mark!
LIEZL MARTINEZ DYING OF BREAST CANCER?
Diagnosed with breast cancer
NAKAKALUNGKOT ang balitang nakarating sa showbizjuice na Liezl Martinez was diagnosed with breast cancer.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, bigla lang itong na-diagnose at mabilis din ang pagkalat ng cancer cells. Kaya right away ay inoperahan ito. Walang linaw ang naging resulta ng operasyon ng asawa ni Albert Martinez.
Ngayon ay nasa rest house ng pinsang si Aga Muhlach sa Batangas si Liezl. Walang linaw kung nagpapagaling na ito o patuloy ang paglalala ng kanyang condition.
Dalangin namin at ng mga nagmamahal kay Liezl na malampasan niya ang matinding pagsubok na ito sa kanyang buhay.
ANGEL, DINEDMA NI WILMA GALVANTE!
E paano, star of the night siya, no!
IF Wilma Galvante’s purpose ay pag-usapan siya sa ginawa niyang pangi-snub kay Angel Locsin sa Belo event recently, successful siya! Yes, walang pakialam ang nagmamagandang GMA executive na isnabin si Angel sa nasabing event.
Heto ang eskena: Lumapit si Angel sa lahat ng present sa event including Ms. Wilma. Nang babatiin niya ito, agad na lumayo ang nagmamagandang TV exec. Ang pobresitang Angel, smile pa din. As if walang nangyari. Good thing, katabi lang niya si Piolo Pascual na agad siyang hinawakan as if saying, “Okey lang yun.”
Gabi ni Ms. Wilma ang Belo event.
Una, nagawa niya ang drama niyang pangi-snub kay Angel.
Pangalawa, siya ang nanalong Star of the Night.
Ang bongga, di ba? Congrats, Ms. Wilma! Hmph!
MAY “MEGA” HEADACHE NA SI KAWAWANG KC
Ini-stress out ng bonggang-bongga ni Mega!
KUNG akala natin ay tapos na ang pressure sa buhay ni KC Concepcion, after that Buzz tell-all kuning interview, nagkakamali kayo. Dahil mas naging matindi ang pressure ngayong kay KC
At ang rason? Ang mommy niyang si Sharon Cuneta!
From a reliable source, nag-request pala si Mega ng copy ng nasabing Buzz interview ni KC. For some reason, gustong ma-review ni Mega ang mga sinabi ni KC sa interview. And guess what? Hindi nagustuhan ni Sharon ang statement ni KC na gusto nitong makita ang Papa Gabby niya sa premiere night ng movie nila ni Richard.
Yes, very much against si Mega sa statement na yun ng anak. Kaya ngayon, ang pobreng KC, naghihirap ang kalooban dahil sa sobrang pressure.
RUFFA OPTED TO STAY WITH THE KAPAMILYA NETWORK
Kahit may P2 million contract offer from Kapuso
NOW it can be told! Ruffa opted to stay with the Kapamilya network. Nag-expire na ang contract ni Ruffa with ABS-CBN and right away, in-offer-an ito ng Kapuso network. Or shall we say, “sinusulot na agad” ng GMA si Ruffa sa ABS-CBN.
A whooping P2 million guaranteed monthy fee ang offer kay Ruffa. Ipinarating agad ni Annabelle Rama ang offer kay Ruffa.
But the beauty queen-TV host-actress opted to stay with ABS-CBN.
From a reliable source, nagdayalog daw si Ruffa ng, “MOMMY, TAHIMIK NA ANG BUHAY KO SA ABS! I LOVE THE BUZZ! I LOVE BETTY LA FEA! HAPPY NA AKO SA ABS!
Pero eto na ang sad news.
Ruffa is no longer Bong Revilla, Jr.’s leading lady sa comeback movie nito sa Star Cinema. Una na itong nabalita pero the latest we heard ay hindi na siya.
How true na may kinalaman si Lani Mercado sa desisyong ito. Nakiusap ito sa Star Cinema na huwag si Ruffa ang maging lady ng asawa.
Sina Toni Gonzaga at Roxanne Guinoo ang dalawang pangalan na narinig namin na ipapalit kay Ruffa.
ANGELICA, SAYS NO TO BE RYAN’S LEADING LADY
Dahil minsan nang tinarayan ng manager ni Juday!
HINDI tinanggap ng Star Magic ang role na in-offer kay Angelica Panganiban na maging leading lady ni Ryan Agoncillo sa Pieta. May kinalaman dito si Alfie Lorenzo. Ang katuwiran ng Star Magic, hindi pa din nila makalimutan ang ginawang panlalait ni Alfie kay Angelica nang gawin nito ang Ysabella.
Katakut-takot na panlalait ang tinanggap ni Angelica mula sa manager ng fiance’ ni Ryan.
Kasi nga naman, kapag tinanggap ni Angelica ang role, mauulit na naman ito at hindi na kakayanin ng aktres ang pagtataray ng manager ni Juday.