Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Juicy!

MARIAN RIVERA PINATIKIM NG KABASTUSAN SI JANELLE SO

08082008 marianeyes 225x300 MARIAN RIVERA PINATIKIM NG KABASTUSAN SI JANELLE SOHanggang America, pinaiiral ang kabastusan!

Ang Los Angeles-based TV host na si Jannelle So naman ang pinatikim ng KABASTUSAN ni Marian Rivera! Nangyari ito nang mag-guest si Marian sa TV show ni Janelle na Kababayan L.A. 

May nakakalokang ginawa itong si Marian. During the interview, tumayo si Marian at ipinuwesto si Janelle sa posisyong gusto niya. Parang bata na hinakawan sa balikat ni Marian si Janelle at ipinuwesto ito.

“Yan ang anggulo ko!’ talak ni Marian.

At ang nakakaloka, kitang-kita sa video ang ginawang ito ni Marian kay Jannelle!

O ayan, sasabihin na naman na imbento lang ang mga balitang kamalditahan nitong si Marian, huh! 

Posted on Tuesday, August 05, 2008, 11:29pm
Tags: , ,
143 comments na and growing! Join na!

Ripe for Picking!

WHAT WAS JEAN GARCIA DOING IN JAKE CUENCA’S PAD?

08032008 jakeandjean 300x240 WHAT WAS JEAN GARCIA DOING IN JAKE CUENCAS PAD?Siya ba ang mystery woman ni Jake?

How true? How true? Madalas daw makita si Jean Garcia sa pad ng hunk actor na si Jake Cuenca.

Teka, is there something going on between them? Sino ba talaga ang tunay na babae sa buhay ni Jake? Confusing na ito, huh!

Whatever happened to Bea Alonzo who is said to be Jake’s girlfriend?

Kaloka na itong si Jake. Andami nang babaeng nali-link!

Posted on Sunday, August 03, 2008, 06:07pm
Tags: , ,
12 comments na and growing! Join na!

Concentrated!

JOEY DE LEON, NAG-POWERTRIP!

08032008 joeydeleon 240x300 JOEY DE LEON, NAG POWERTRIP!Showbiz editor, mas pinaboran ng Bulletin

GUSTONG ipatanggal ni Joey de Leon ang showbiz editor na si Dindo Balares dahil sa isinulat nito na kaunti ang taong nanonood ng Eat Bulaga show sa L.A.. Hindi ito nagustuhan ni Joey at he threatened the management of Manila Bulletin na mag-resign as columnist ng pahayagan.

Para sa kaalaman ng marami, ang Balita (where Dindo is the showbiz editor) ay sister publication ng Manila Bulletin. To get even with Dindo, nag-threaten nga si Joey na magri-resign sa columnist ng MB.

But sad to say, mas pinili ng MB si Dindo over Joey.

Heto pa.

Since hindi umubra ang powertripping nito sa MB, sa GMA 7 naman ito nagbanta.

On air, nag-declare si Joey na magri-resign siya sa lahat ng shows niya sa GMA 7 (except Eat Bulaga) kapag nalaman niyang ini-invite pa din si Dindo sa mga GMA presscons.

Mixed reactions ang movie press sa nangyayaring kontrobersiya kina Joey at Dindo.



Bookmark and Share