Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Breaking Juice

SURVIVOR PHILIPPINES WINNER REVEALED: JC IS THE PINOY SOLE SURVIVOR

jc tiuseco1 183x300 SURVIVOR PHILIPPINES WINNER REVEALED: JC IS THE PINOY SOLE SURVIVORNabuking ng showbizjuice.com sa usapan ng staff ng show

IT seems kulang sa confidentiality clause between GMA 7 management and its production staff.

Sa usapan ng ilang staff ng programa sa isang coffee shop, walang pakialam na ikinuwento ng isang taklesang staff ang nangyayari sa Survivor.

Ang pinaka-shocking revelation ng tsikahan ng staff na hindi napalampas ng source ng showbizjuice.com ay ang pangalan ng winner ng reality show.

Si JC! Siya ang Pinoy Sole Survivor.

Here’s the profile of JC that we got from a website:

John Carlo “JC” Tiuseco (Hardcourt Heartthrob)
JC, 23, is a hunky basketball heartthrob of San Sebastian University. When he was younger, he was very passionate about basketball and dreamed of becoming a professional player. But as he grew older, JC discovered that he has a lot more potential to make it beyond the hardcourt.

Banking on his athleticism and good looks, JC is sure that he has a good chance to capture the ladies’ hearts and to bag the coveted title of Sole Survivor. 

Survivor Philippines is airing barely 2 weeks. We hate to spoil the excitement by revealing the big winner.

Again, this is news.  

Posted on Tuesday, September 30, 2008, 10:00am
Tags: , ,
832 comments na and growing! Join na!

Freshly-Squeezed!

MANNY PACQUIAO, MUNTIK NA NAMANG HIWALAYAN NI JINKY DAHIL KAY ARA MINA

Ara, bistadong kasama ni Manny sa States; Jinky binantaang hihiwalayan ang asawa

USAP-usapan ang biglaang pag-uwi ng Pilipinas ni Manny Pacquiao. Walang clear reason for the sudden arrival ng boxing champ.

Pero eto ang totoo.

Nabuking ni Jinky na nagkita at magkasama ang asawa nito at ang sexy actress. Nang malaman ito ni Jinky, nag-threaten itong hihiwalayan si Manny.

Kaya ayun, dahil sa takot na hiwalayan ng asawa, dali-daling umuwi si Manny ng Pilipinas para ayusin ang gulo.

Hindi alam ng aming source kung ano ang naging palusot ni Manny sa asawa.

After 2 days, bumalik si Manny sa States para i-resume ang kanyang training sa forthcoming fight nila ni Oscar dela Hoya sa December.

Posted on Monday, September 29, 2008, 05:44am
Tags: , , ,
143 comments na and growing! Join na!

Juicy!

NADIA MONTENEGRO NIRESBAKAN SI CRISTY FERMIN

t 21 nadia NADIA MONTENEGRO NIRESBAKAN SI CRISTY FERMINSuko na sa paninira ng TV/radio host/columnist

HINDI na nakayanan ni Nadia Montenegro ang paninira nina Cristy Fermin at Mommy Rose Flaminiano. Nagsalita na si Nadia dalawang talk shows. Una sa Startalk. The following day sa The Buzz.

Nadia was highly-emotional habang kausap ni Boy. It happened na nasa Canada si Cristy para sa ilang araw na bakasyon. Sa Huwebes ang dating nito.

Aware si Cristy na live na magsasalita si Nadia sa The Buzz. Pumayag naman daw ito.

Walang pinalampas si Nadia. Isa-isa niyang sinagot ang akusasyon ng kampo ni Cristy at Mommy Rose.

What made Nadia more emotional ay ang pagkakasira ng friendship nila ni Gretchen Barretto na aniya, kagagawan ni Cristy.

Pakiusap ni Nadia kay Cristy, “Tigilan mo na ang mga paninirang ginagawa mo sa mga artistang walang kalaban-laban.”

According to Nadia, she hopes na maayos ang alitan nila ni Gretchen.

Handa na din si Nadia sa mga sasabihin ni Cristy pagdating nito sa Thursday.

Pero ani Nadia, marami pang isyung sasabog laban kay Cristy.

Kung saan hahantong ang controversy na ito, walang nakakaalam. One thing is sure, hindi namin bibitawan ang chapter na ito.

Breaking Juice

ANGEL LOCSIN, NAAKSIDENTE!

Namaga ang mata at mukha

NAGKAROON ng freak accident sa set movie nila Piolo Pascual at Angel Locsin sa Bukidnon. Sa isang eksena, na-whip ni Angel ang mukha nito at tinamaan ang mata.

Mismong mga tagahanga ni Angel ang naghatid sa amin ng balitang ito via email.

“Sumobra yung turn niya and na-miscalculate ‘yung turn kaya na-whip niya ang mukha niya at tinamaan ang mata. Namaga ang mata niya and she was rushed sa hospital,” sabi ng portion ng email.

Dahil sa nangyari, na-extend ng 2 days ang stay ni Angel sa Bukidnon.

“Good thing, alert ang staff ng Star Cinema. Kaya nadala agad siya sa nearby hospital,” dagdag na impormasyon sa amin.

Magaling na si Angel at humupa na ang pamamaga ng mukha at mata nito.

Posted on Friday, September 26, 2008, 07:23pm
Tags: , ,
225 comments na and growing! Join na!

Uncategorized

IS REGINE’S STAR FADING?

Lukewarm ang respose sa shows abroad

USAP-usapan ng mga diehard fan ni Regine Velasquez ang tila pagbaba ng popularity ng Asia’s Songbird.

Una, hindi kinagat ng viewers ang kanyang Songbird show.

Pangalawa, hindi rin masyadong favorable ang response ng viewers sa kanyang Kim Sam Soon sa GMA 7.

Ikatlo, her fans find her hosting stint in Celebrity Duets not helping her career.

Ikaapat, her audience finds her “one of those” in SOP.  She hasn’t produced a hit song of late.

Ikalima, hindi naging mainit ang pagtanggap sa kanya ng Filipino audience sa nakaraang back-to-back shows nila ni Lani Misalucha sa States. Mas pinaboran ng audience si Lani sa said shows.

Regine fans want to see her reinventing herself. Gusto nilang makita ang Asia’s Songbird na may bagong ipinapakita.

And by the way, Regine is no longer with Viva Records. Her next album will be under Universal Records.

Breaking Juice

ROSE FLAMINIANO ISSUES STATEMENT ON MR. ROLLIE CONCEPCION’S DEMISE

NAKAKUHA ang showbizjuice.com source ng copy ng statement ni Mrs. Flaminiano sa pagkamatay ng ama ng kanyang nakaalitang alaga. Matatandaan na ilang araw bago pumanaw si Daddy Rollie ay isang malaking iskandalo ang nangyari sa pagitan nina Gabby at Mommy Rose. Umabot ito sa demandahan.

Narito ang official statement ni Mrs. Flaminiano:

Nakikiramay ako sa buong pamilya sa pagpanaw ni Mr. Concepcion. Meron man kaming hindi pagkakaunawaan ngayon ni Gabby, namaalam si Mr. Concepcion na maayos ang aming relasyon. I am setting aside whatever is between me and Gabby at the moment and pay my last respects. Maraming salamat po.”

Posted on Wednesday, September 24, 2008, 03:36pm
Tags: , ,
68 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

KC, PUPUNTA NGAYONG GABI SA LAMAY NG LOLO, BAGO LUMIPAD PAPUNTANG VIENNA, AUSTRIA SA BIYERNES

GABI ng Martes, nang sumakabilang-buhay si Mr. Rollie Concepcion ay nagtatawagan na sina Gabby at KC Concepcion. Isa si KC sa mga unang tinawagan ni Gabby para ipaalam ang malungkot na balita.

Ngayong gabi ay nakatakdang dumalaw si KC sa labi ng kanyang lolo. Pero hindi na niya mahihintay ang takdang araw ng libing nito. Dahil sa Biyernes, nakatakda siyang lumipad papuntang Vienna, Austria para sa premiere ng movie nila ni Richard Gutierrez.

Ayon sa aming source, kailangan daw um-attend ni KC ng said movie premiere sa Europe dahil may pinirmahan itong kontrata.

 

Posted on Wednesday, September 24, 2008, 03:33pm
Tags: , ,
51 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

DADDY NI GABBY, NAKABUROL SA MONTESSORI DE SAN JUAN CHAPEL

KASALUKUYANG nakaburol sa chapel ng Montessori de San Juan (#3 Montessori Lane, San Juan City) ang labi ni Mr. Rollie Concepcion, ang yumaong ama ni Gabby Concepcion. Namatay si Daddy Rollie sa edad na 72 sa Lourdes Hospital noong Martes ng gabi, September 23.

Ginulat ang showbiz sa pagpanaw ni Daddy Rollie. Matatandaan na umuwi si Gabby ng Pilipinas dahil sa maselang kondisyon ng kalusugan ng ama.

Ilang beses ding naging emotional si Gabby kapag natatanong tungkol sa kalagayan ng ama.

Hindi rin nagustuhan ni Daddy Rollie ang sunud-sunod na intriga sa anak. Partikular ang kontrobersiya sa pagitan ni Gabby at ng manager nitong si Mrs. Rose Flaminiano.

Posted on Wednesday, September 24, 2008, 03:31pm
Tags: , ,
19 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

DADDY NI GABBY CONCEPCION, PUMANAW NA!

Isang text message ang kumalat na pumanaw na nga ang ama ng nagbabalik na aktor sa Lourdes Hospital na si Daddy Rollie 30 minutes ago.

Ayon sa text message na nakuha ng showbizjuice, “sobra-sobra dinamdam ang mga tira kay gabby, naapektuhan maapektuhan masyado. hindi kinaya.”

Iyak ng iyak daw si Gabby at ang mga kapatid niya. Hindi ito makausap as of the moment.

‘Yan ang latest, bukas, ang iba pang developments.

Our condolences.

Posted on Tuesday, September 23, 2008, 10:58pm
Tags: ,
69 comments na and growing! Join na!

100% All-Natural!

WENDY AIRS HER SIDE: “WAG N’YO AKONG GAWING LIBANGAN!”

09222008 wendylibangan 240x300 WENDY AIRS HER SIDE: WAG NYO AKONG GAWING LIBANGAN!Iniyakan ang kaliwa’t kanang intriga

BUMIGAY na si Wendy Valdez sa kaliwa’t kanang intriga sa kanya!

Kanina sa The Buzz, Wendy airs her side sa intriga sa kanya at kay GKNB host Edu Manzano.

‘Yun ang unang pagkakataon na nagsalita si Wendy tungkol sa controversy.

And we’re proud to say, the news first broke here in www.showbizjuice.com. At walang denial na nangyari, huh!

Inamin ni Wendy na umiyak siya. Na nag-walk out siya dahil naniniwala siyang tama siya.

Really, our sources don’t fail!

Kanina, iniyakan ni Wendy ang mga intriga sa kanya.

Sinimulan niya noong PBB days pa niya. Ito ay dahil lang daw sa isang pagkakamali.

“Gabi-gabi, umiiyak ako! Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali” sabi ng controversial star.

Pakiusap nito sa kanyang detractors, “Huwag n’yo akong gawing libangan!”

You be the judge.

Kung misinterpreted lang ba si Wendy or sadyang may attitude problem talaga ito.



Bookmark and Share