Breaking Juice

DADDY NI GABBY, NAKABUROL SA MONTESSORI DE SAN JUAN CHAPEL

KASALUKUYANG nakaburol sa chapel ng Montessori de San Juan (#3 Montessori Lane, San Juan City) ang labi ni Mr. Rollie Concepcion, ang yumaong ama ni Gabby Concepcion. Namatay si Daddy Rollie sa edad na 72 sa Lourdes Hospital noong Martes ng gabi, September 23.

Ginulat ang showbiz sa pagpanaw ni Daddy Rollie. Matatandaan na umuwi si Gabby ng Pilipinas dahil sa maselang kondisyon ng kalusugan ng ama.

Ilang beses ding naging emotional si Gabby kapag natatanong tungkol sa kalagayan ng ama.

Hindi rin nagustuhan ni Daddy Rollie ang sunud-sunod na intriga sa anak. Partikular ang kontrobersiya sa pagitan ni Gabby at ng manager nitong si Mrs. Rose Flaminiano.

Bookmark and Share
Posted on Wednesday, September 24, 2008, 03:31pm
Tags: , ,
19 Replies
putchapie
Wednesday, September 24, 2008, 03:48pm

condolence…buti na lang ur here and nakasama mo pa sya ng 6mos…Rest In Peace Mr. Rolly Concepcion….

kay
Wednesday, September 24, 2008, 03:53pm

walanghiya talaga ‘yang si greedy rose flamiano !!!

toUs
Wednesday, September 24, 2008, 04:08pm

how sad…but life must go on Gabby!

shekina
Wednesday, September 24, 2008, 05:32pm

condolence to the concepcion family

Wendang
Wednesday, September 24, 2008, 10:05pm

Gawin bang issue ang alitan nina Mommy Rose at Gabby sa pagkamatay ni Daddy Rolly. Wag naman sana. It’s God’s will, kaya sana wag ng idamay pa ang mga wala namang kinalaman sa pagkamatay nya noh. Condolence sa mga naulila…

black bacarra
Thursday, September 25, 2008, 06:53am

Maswerte na rin si Gabby nagkita pa sila ng Daddy niya bago ito mawala. Kahit papaano Rose Flaminiano did SOME good.

pedroPENDAKO
Thursday, September 25, 2008, 10:02am

Agree ako kay Wendang Balde. Suma-langit nawa ang yumao, ngunit ang pagpanaw ay huwag nang gawin pang showbiz issue na papabor kay ingkong Gabby. For all we know, posibleng ang sakit sa puso’y nagsimula sa noon ay ginawang pambubuntis dito, pambubuntis doon, pambubuntis maski saan pumaroon ni lelong Gabo!

joylyn01
Thursday, September 25, 2008, 06:29pm

PedroPendako… pls stop saying those things to Gabby… you are so mean, the gall to call him Ingkong???
Why does some people behave this way? baka mas matanda ka pa sa kanya tingnan?

joylyn01
Thursday, September 25, 2008, 06:30pm

Irespeto naman ang tao, besides ano ba ang personal na atraso ni Gabby sau at ganyan ka kung magsalita aginst sa kanya? show some respect also….

joylyn01
Thursday, September 25, 2008, 06:32pm

Kung si Gabby ay womanizer…. maybe he is not alone in this game. ask that to dolphy, ramon revilla sr., fernando poe jr. lou salvador sr. mas marami pa silang anak na di hamak kay Gabby bakit di mo sila insultuhin also? anong problema mo kay Gabby? bakit inabuso ka ba niya?

j
Thursday, September 25, 2008, 08:05pm

mga tao nga namang wala ng ibang masabi kundi kabastusan.,tsk

pedroPENDAKO
Thursday, September 25, 2008, 08:13pm

Wari po ba’y minamakatuwiran na ninyo ang pambabae dahil hindi lang naman iilan ang nambababae? Paano po ang kasinungalingan? Ang pandaraya sa eleksiyon? Ang pandarambong sa pera ng bayan?

Ang utos po ng Diyos ay HUWAG MAKIKIAPID. Huwag pagnasaan ang hindi asawa. Eh di isali na po natin kay tata Gabby ang lahat ang kalalakihang barubal sa pambababaeng dahilan ng pagkawasak ng pamilyang saligan ng lipunan. Dahilan silang lahat ng pagkasalaula ng hiblang moral ng pamayanan.

Lilinawin ko po lamang na sa matatanda’y may respeto ako. Ang totoo pong wala’y ‘dun sa mga walang pinagkatandaan.

Ang thread po’y tungkol sa yumao. Nawa’y suma-kapayapaan ng Panginoon si G. Concepcion.

free to talk
Friday, September 26, 2008, 03:45am

PEDRO PENDAKO

alam mo naman pala ang issue dito,ay tungkol kung san nakaburol ang ama ni gabby how come na pati personal na buhay ni gabby eh binabanggit mo dito, at pati gobyerno nadawit na rin anong pag-iisip meron ka at gustong mong pagusapan ung mga bagay na di naman dapat. stick to the issue pls. sabi mo me respeto ka sa tingin mo meron nga,

pedroPENDAKO
Friday, September 26, 2008, 09:21am

as i said, i like to stick on the issue. may mr. concepcion rest in peace. sa ibang pagkakataon na lang po ako sasagot. nasa mga bumabasa na ang pag-unawa kung sino sa mga posters dito ang maski minsan ay hindi bumanggit ng paggalang sa yumao, kundi walang modong pag-atake sa kapwa poster.

tweety
Friday, September 26, 2008, 09:39am

CONDOLENCE to the family of Mr. Gabby Concepcion… May he rest in peace…

rose
Friday, September 26, 2008, 11:45am

condolence sa concepcion family.

joylyn01
Sunday, September 28, 2008, 09:39am

dapat mga taong tulad ni pedropendako wag na lng patulan kasi mga moralist kuno yan sila pero mas masahol pa ang gawa. di naman sila Diyos pero sobra manghusga sa iba lalo na kay Gabby.
Go Rafael Torralba.

Post a new comment







Bookmark and Share