Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Freshly-Squeezed!

TONI GONZAGA AT ALESSANDRA DE ROSSI, NAGDEADMAHAN!

sj alex 175x300 TONI GONZAGA AT ALESSANDRA DE ROSSI, NAGDEADMAHAN!

 Hindi pa din nakaka-move on si Alessandra over Jeremy Marquez?

 

SHOCK boogie ang Wowowee staff sa nakita niyang very obvious na deadmahan nina Toni at Alessandra kanina lang.  Si Alessandra ang special co-host for the day while Pokwang is out of the country.

 

Nagkataon naman na guest si Toni para sa promotions ng movie niyang My Only U.

 

Nagkasalubong ang dalawa at wiz talaga nagpansinan.

 

A lot of people thought na “patay” na ang isyung ito. Pero sorry to say, alive and kicking pa. At may hindi pa nakaka-move on.

 

One time din, when Alessandra guested in Entertainment Live, nag-request ito na huwag si Toni ang maginterbyu sa kanya. It was then na na-realize ni Toni na hindi pa pala nakaka-move on si Alessandra sa isyu with her.

 

At para sa mga hindi nakakaalam. Both Toni and Alessandra were linked to one guy – si Jeremy Marquez. Naunang naging boyfriend ni Alessandra na napunta kay Toni.  So yun!

Posted on Tuesday, October 28, 2008, 04:36pm
Tags: ,
193 comments na and growing! Join na!

Juicy!

KIM, INIIYAKAN ANG PANLILIGAW NI GERALD KAY PAULEEN!

kim02 200x300 KIM, INIIYAKAN ANG PANLILIGAW NI GERALD KAY PAULEEN!Napatunayang totoong pinupormahan ni Gerald si Pauleen

Na-confirm ni Kim Chiu na true na her screen partner Gerald Anderson is making porma sa Kapuso starlet na si Pauleen Luna.

No amount of denials can make Kim believe na innocent si Gerald.

Na-confirm na once ay dinalaw ni Gerald si Pauleen sa Eat Bulaga sa Broadway Centrum, with matching food pa ha!

Kaya ngayon, ang pobreng Kim, iyak nang iyak kapag naaalala ang ginawang panloloko sa kanya ni Gerald.

One time, sa isang resto sa Quezon City (Timog), she was seen crying. She was talking to her friends. At ang topic nila ay si Gerald. Bigla na lang daw nag-breakdown si Kim.

Gerald denied courting or bringing food for Pauleen. Pero mas naniniwala si Kim na nag-effort si Gerald na ligawan si Pauleen.

Saan kaya makakarating ang isyung ‘to? Abangan!

Posted on Friday, October 24, 2008, 06:53pm
Tags: , ,
190 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

KRIS, RETURNS TO THE BUZZ THIS SUNDAY!

ent2 KRIS, RETURNS TO THE BUZZ THIS SUNDAY!Ito ang clamor ng viewers!

 

THIS coming Sunday, magbabalik na si Kris Aquino sa The Buzz. According to our ever-reliable source, napag-decide-an na ang ABS management na ibalik si Kris sa show  This is after ng suspension ni Cristy Fermin sa said talk show.

 

Ang decision ng ABS management to put Kris back in the show ay dahil na din sa requests ng ABS-CBN viewers. Mula nang ma-involve si Cristy sa iba’t ibang controversy, may clamor na ang viewers na ibalik si Kris sa show.

 

“It was tough to convince Kris to accept the offer,” explains our source. “First, she really wants her Sundays devoted to her family.  ‘Yun lang naman ang isyu niya. Other than that, wala na.”

 

But since Kris is an original host of the show, she finally said yes.

 

So, this Sunday, expect Kris with Boy Abunda and Ruffa Gutierrez sa The Buzz. Join pa din daw sina Jobert Sucaldito at Phoemela Baranda bilang segment hosts.

 

 

Breaking Juice

CRISTY FERMIN, SUSPENDED SA THE BUZZ AT DZMM!

Nakakaloka ang mga kaganapan ano?

Nakakuha kami ng kopya ng statement ng ABS-CBN (at pati TV Patrol unahan na namin!) Mukhang may pumalag na mga sectors, heard namin, ang advertisers din nagreklamo tungkol sa mga statements ni Cristy last last Sunday.

Heto ang statement ng ABS-CBN (thanks sa aming source!)

“Ang kontrata ni Ms. Cristy Fermin bilang host ng The Buzz sa ABS-CBN Channel 2 at anchorperson ng Showbiz Mismo sa DZMM ay sinuspinde hanggang December 31, 2008.

Ang suspension ng talent contracts ni Ms. Fermin sa ABS-CBN Broadcasting Corporation ay may kaugnayan sa mga pahayag niya sa episode ng The Buzz noong October 5, 2008. Ang aksyong ito ni Ms. Fermin ay lumabag sa ilang probisyon ng kanyang kontrata.

Nilabag din ng aksyon ni Ms. Fermin ang mataas na batayan ng propesyonalismo at integridad sa pamamahayag. Ito ay nagdulot ng kapinsalaan hindi lamang sa kanyang pangalan at kredibilidad, kundi sa programang The Buzz at ABS-CBN.”

Kaloks! Sa malamang may kinalaman pa rin to kay Nadia Montenegro ano?

Posted on Wednesday, October 15, 2008, 07:20pm
Tags: , , , , ,
275 comments na and growing! Join na!

Freshly-Squeezed!

JUDAY AT ALFIE, NAGTALAKAN DAHIL SA KONTRATA ISSUE?

judai01 267x300 JUDAY AT ALFIE, NAGTALAKAN DAHIL SA KONTRATA ISSUE?Hindi natuloy ang contract-signing sa Dos

How true? How true?

Nagkaroon ng tilian sa pagitan nina Judy Ann Santos at manager nitong si Alfie Lorenzo.

May kinalaman ito sa kontrata ng young superstar sa Kapamilya network which is up for renewal/extension.

According to SJ sources, nagalit si Alfie dahil nang i-present nito sa alaga ang contract, nagdayalog ang Juday na ipakikita muna niya sa kanyang lawyer ang copy ng contract. Doon na nagsimulang uminit ang ulo ng manager.

Ang emote daw ni Alfie, after 20 years ng pagsasama nila, ngayon ay may consultation pa si Juday with a lawyer.

Says our SJ source, “Maganda ang deal na na-strike ni Alfie with ABS!”

Dagdag pa ng source, “Could be gustong makita ni Juday ang stipulations about getting pregnant durin the tenure/duration of the contract.”

Dahil sa tensyon, hindi natuloy ang supposed contract-signing ni Juday with ABS last Wednesday.

Posted on Friday, October 10, 2008, 07:16am
Tags: , ,
185 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

SHARON AT KC, FLY NG HONGKONG

sharonkc1 300x189 SHARON AT KC, FLY NG HONGKONGSUMABOG ang issue sa hiwalayang Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan.

Naging laman ng diyaryo ang diumano paghihiwalay nina Sharon at Kiko Pangilinan. Hindi pa clear kung totoo ito at ang involvement ng ilang tao.

The day na sumabog ang isyu, lumipad papuntang Hong Kong ang mag-inang Sharon at KC.

Siyempre, the first person na iiyakan ni Sharon sa kanyang problema ay ang kanyang darling KC.

Balitang devastated ngayon si Sharon.

Posted on Friday, October 10, 2008, 07:14am
Tags: , ,
199 comments na and growing! Join na!

Freshly-Squeezed!

JENNYLYN MERCADO, NINAKAWAN NG ALALAY

jennylyn02 JENNYLYN MERCADO, NINAKAWAN NG ALALAYUmabot ng P3M ang nanakaw sa aktres

BROKE ngayon si Jennylyn Mercado dahil ninakawan ito ng kanyang alalay.

Umabot ng three million pesos ang natangay ng pinagkatiwalaang alalay.

Bukod sa cash na naitago, nagawa pang i-forge ng alalay ang signature ni Jennylyn.

Devastated ngayon si Jennylyn dahil she is literally broke. As in walang naiwan ngayon sa kanya.

Poor girl.

Posted on Friday, October 10, 2008, 07:12am
Tags:
84 comments na and growing! Join na!

Sour!

GENEVA CRUZ, ISINUGOD DIN SA OSPITAL DAHIL SA SUICIDE ATTEMPT

joey a0035orig GENEVA CRUZ, ISINUGOD DIN SA OSPITAL DAHIL SA SUICIDE ATTEMPTMay problema ba siya sa buhay?

IF we all think Geneva Cruz is living a happy life sa piling ni KC Montero, nagkakamakali tayo.

Very recently, she was rushed sa isang reputable hospital dahil nag-attempt din itong mag-suicide.

According to our sources, lumaklak ng paracetamol.

“She was rushed by a pretty girl na mukhang sister niya,” sabi ng aming source.

Ano kaya ang problema ni Geneva? Has her career got to do with it? Or may kinalaman sa kanyang personal life? O lovelife?

Will Geneva have the guts to admit ang nangyaring ito sa kanya?

Posted on Friday, October 03, 2008, 08:14pm
Tags: ,
98 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

CRISTINE REYES AND MOM, NAGKASAKITAN DAHIL SA PERA

cristine reyes1 212x300 CRISTINE REYES AND MOM, NAGKASAKITAN DAHIL SA PERA

UMABOT sa physical harm ang gulong nangyayari sa pamilya ni Cristine Reyes.

According to showbizjuice.com sources, bago nangyari ang suicide attempt ni Cristine noong September 30, nagkaroon ito ng matinding sagutan with her mom. Na umabot na sampalan.

Pera ang dahilan ng madalas na pag-aaway ng mag-ina. Madalas daw isumbat ni Cristine ang perang ibinibigay nito sa ina.

“Binibilang niya at hinahanap kung saan napupunta ang pera that she gives her mom,” says our source.

At dahil sa nangyaring away nina Cristine and mom, na-depress ang sexy actress at uminom ito ng pabago at lumaklak ng Medicol.

Mga kasamahan sa bahay ni Cristine ang nagsugod dito sa ospital. 

Posted on Friday, October 03, 2008, 08:12pm
Tags:
67 comments na and growing! Join na!

Freshly-Squeezed!

AUBREY MILES, NANGANAK NA!

aubrey miles 08 gallery1 185x300 AUBREY MILES, NANGANAK NA!Daddy na si Troy!

Isang true-blue juicer ang nagbalita sa amin na nanganak na si Aubrey Miles kaninang umaga, 9:15am sa St. Luke’s Medical Center sa isang healthy baby boy!

Naku ha, congrats sa mag-jowa! Moming-mommy na si Aubrey!

At least may pagkakaabalahan na siya until ma-figure out niya what she’ll do with her career!

Daddy Troy, kelangan mo nang rumaket ng bonggang-bongga para may pambili ng gatas ni Baby!

Posted on Friday, October 03, 2008, 08:08pm
Tags: ,
35 comments na and growing! Join na!


Bookmark and Share