Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
ROSALINDA, KINASUSUKLAMAN NG SARILING DIREKTOR!
Grabe naman itong balitang natanggap namin, di pa man din nagla-launch ang upcoming show na ito ng GMA, nilalait na.
Pero giit ng juicer kong taga GMA 7, pagkatapos daw na ilang araw mag-work for the project e bumaback out na daw si Direk Maryo J delos Reyes dahil kay Carla Abellana! Say ng mashoray nating friend, nashoshoray daw si Direk Maryo dahil di daw marunong umarte ang baguhang si Carla at wala daw siyang makitang kahit anong potential!
Kakaloka. Ang tanong: bakit si Direk Maryo J pa rin ang direktor hanggang ngayon?
E well, baka maraming bayarin. :)
Kung true man ang balita kay Carla, ang good news, mabait naman daw ang bata. So give natin chance devah?
Si Marian kasi bano na umarte, wala pa proper manners!
Speaking of Ate Marian, ang harsh ng tinatawag sa kanya ng ilang mga detractors ha, tawagin ba siyang MATANDARNA? kalerks!
TV RATINGS — MARCH 12 (TNS NATIONAL)
TNS Media Research National TV Ratings. March 12, 2009 (Wednesday)
Ruffa & Ai (9.4%) vs. SIS (7.7%)
Pilipinas, Game K N B? (20.1%) vs. La Lola Orig (10.1%)
Wowowee (22.6%) vs. Eat Bulaga (18.5%), Daisy Siete (17.5%)
Parekoy (15.7%), Pieta (15.9%) vs. Paano ba Ang Mangarap? (20.4%)
La Traicion (10.9%) vs. Dapat Ka Bang Mahalin (19.7%)
Mr. Bean (13.3%), Kiba (9.4%) vs. Be Strong Geum Soon (12.9%)
Mischievous Princess (13.4%) vs. Love at the Corner (10%)
Kapamilya Deal or No Deal (19.8%) vs. Family Feud (14.2%)
TV Patrol World (33.2%) vs. 24 Oras (22.9%)
May Bukas Pa (40.5%) vs. Totoy Bato (26.3%)
Tayong Dalawa (37.8%) vs All About Eve (21.9%)
SNN (21.1%) vs. Fated to Love (19.1%)
KC AT RICHARD, ‘DI MAGKASUNDO SA STORY NG MOVIE NA GAGAWIN SA GMA FILMS
Parehong gustong masunod!
KALOWKAH naman this story shared by our ever-reliable source. Hindi daw magkasundo sina KC Concepcion and Richard Gutierrez sa story ng movie where they’re teaming up under GMA Films.
First, it was Richard who complained about the story. He demanded for some changes. Of course, ibibigay kay Richard ang demands nito being the Kapuso network’s prime artist.
When it was presented to KC, eto naman ang mega-complain. She wants some changes and revisions too.
Kaya daw nalolowkah na ngayon ang writer/director nito na si Joey Reyes dahil sa pakikialam ng dalawang bidang artista sa script niya.
And till it’s settled (the kaguluhan sa script), hindi magsisimulang mag-shoot ang movie. What if mabuwisit si Joey at hindi gawin tapusin ang script at ‘di gawin ang movie? Yun ang mas nakakalowkah!
Deva, mga ineng?!
BILLY AT MARIAN, MAY NAKARAAN?
Parehong matinik!
KUNG matinik si Billy Crawford, hindi magpapatalo si Marian Rivera!
Knows nyo ba na nu’ng active pa si Billy sa Kapuso network ay may something din sila ni Marian! At that time, Marian wasn’t a big star yet. Isa pa lang siya sa mga struggling starlets ng network.
Yes, it may not be a relationship. But it’s something na tiyak na ikaka-insecure ng kanilang present partners.
Ngayong big star na si Marian, for sure, she won’t admit na may namagitan sa kanila ni Billy. Hindi rin magugustuhan ni Dingdong what set up there was between Marian and Billy before.
KIM, INIIYAKAN ANG PANLILIGAW NI GERALD KAY PAULEEN!
Napatunayang totoong pinupormahan ni Gerald si Pauleen
Na-confirm ni Kim Chiu na true na her screen partner Gerald Anderson is making porma sa Kapuso starlet na si Pauleen Luna.
No amount of denials can make Kim believe na innocent si Gerald.
Na-confirm na once ay dinalaw ni Gerald si Pauleen sa Eat Bulaga sa Broadway Centrum, with matching food pa ha!
Kaya ngayon, ang pobreng Kim, iyak nang iyak kapag naaalala ang ginawang panloloko sa kanya ni Gerald.
One time, sa isang resto sa Quezon City (Timog), she was seen crying. She was talking to her friends. At ang topic nila ay si Gerald. Bigla na lang daw nag-breakdown si Kim.
Gerald denied courting or bringing food for Pauleen. Pero mas naniniwala si Kim na nag-effort si Gerald na ligawan si Pauleen.
Saan kaya makakarating ang isyung ‘to? Abangan!
NADIA MONTENEGRO NIRESBAKAN SI CRISTY FERMIN
Suko na sa paninira ng TV/radio host/columnist
HINDI na nakayanan ni Nadia Montenegro ang paninira nina Cristy Fermin at Mommy Rose Flaminiano. Nagsalita na si Nadia dalawang talk shows. Una sa Startalk. The following day sa The Buzz.
Nadia was highly-emotional habang kausap ni Boy. It happened na nasa Canada si Cristy para sa ilang araw na bakasyon. Sa Huwebes ang dating nito.
Aware si Cristy na live na magsasalita si Nadia sa The Buzz. Pumayag naman daw ito.
Walang pinalampas si Nadia. Isa-isa niyang sinagot ang akusasyon ng kampo ni Cristy at Mommy Rose.
What made Nadia more emotional ay ang pagkakasira ng friendship nila ni Gretchen Barretto na aniya, kagagawan ni Cristy.
Pakiusap ni Nadia kay Cristy, “Tigilan mo na ang mga paninirang ginagawa mo sa mga artistang walang kalaban-laban.”
According to Nadia, she hopes na maayos ang alitan nila ni Gretchen.
Handa na din si Nadia sa mga sasabihin ni Cristy pagdating nito sa Thursday.
Pero ani Nadia, marami pang isyung sasabog laban kay Cristy.
Kung saan hahantong ang controversy na ito, walang nakakaalam. One thing is sure, hindi namin bibitawan ang chapter na ito.
RUFFA, IBINUKING NI JOYCE JIMENEZ ANG FREQUENT TRIPS SA BEIJING
Kaya hindi naka-attend ng kasal ng former sexy star
BUKING na buking si Ruffa Gutierrez kanina sa The Buzz. She must have regret interviewing Joyce Jimenez. Dahil sa sexy star nanggaling ang confirmation na madalas nga si Ruffing sa Beijing, China.
Joyce tried to get hold of Ruffa para ibigay ang invitation nito sa kanyang kasal but Joyce was told na nasa Beijing ang TV host-actress.
Again, dito unang lumabas ang news na Beijing-based ang bagong boyfriend ni Ruffa.
But in one showbiz site, Ruffa denied about the guy. Though very vague ang said denial. Not direct though.
We wonder. Bakit hindi ma-admit ni Ruffa ang kanyang bagong boyfriend?
Just like most of the showbizjuicers say, she deserves to be happy too!
MOMMY ROSE SET TO FACE MORE CHARGES
Kaliwa’t kanang kaso, naghihintay!
SEEMS like matagal pa ang itatakbo ng problema ni Mrs. Rose Flaminiano.
Matapos niyang idemanda si Gabby Concepcion, siya naman ang nakatakdang makatanggap ng demanda mula sa iba’t ibang personalidad.
Mula sa mapagkakatiwalaang sources, tatlong showbiz personalities ang magsasampa ng demanda laban sa film producer turned talent manager.
Una, isang sikat na aktres. Tungkol daw ito sa properties na binili ng aktres kay Mommy Rose.
Pangalawa, isa pang aktres. May kinalaman pa din ito sa investments.
Ikatlo, isang talent manager cum reporter. Tungkol pa din ito sa properties.
Kailangang ayusin ni Mommy Rose ang problema niya sa mga taong ito. Dahil kapag hindi niya naagapan, baka parang bulkan na sasabog ang isyung ito.
GOMA, BAGSAK-PRESYO NA!
Nagbaba ng talent fee magka-show lang
Come to think of it, matagal na si Richard Gomez sa GMA 7 pero wala pa din siyang sariling show to claim his own. Ang mga kaibigan niyang iniwan sa ABS ay may kani-kanila nang shows.
‘Tulad nina Edu Manzano, Cesar Montano or even Aga Muhlach.
Oo nga’t nasa cast siya ng Codename: Asero pero hindi niya ito sariling programa.
E paano naman, masyado daw mataas ang talent fee ni Goma.
Kaya para magkaroon lang ng solo show ay nagbaba si Goma ng talent fee.
Kaya siya ngayon ang host ng Family Feud na nabili ng GMA ang franchise.
‘Yan ang alagad ng sining — kahit bagsak-presyo, okey lang. Basta may trabaho.
EDU MANZANO AT WENDY VALDEZ, NAGKASAGUTAN SA TAPING NG GKNB
Edu at Wendy, sabay na nag-walk out
ALL the while we thought ay reformed na itong si Wendy Valdez sa kanyang katarayan. Wiz pa pala.
At no less than OMB Chairman and GKBN host Edu Manzano ang pinatikim ng katarayan ng former PBB housemate.
It had happened sa taping ng GKNB last Friday, according to showbizjuice.com sources.
During the game, nagkaroon ng heated argument sina Edu at Wendy. It has something to do with an answer ni Wendy sa question ni Edu.
Edu, believed Wendy gave a wrong answer. But Wendy was insistent.
Wendy said something like, “Don’t make me appear I’m a liar!” During the show ha!
Doon na-nag-freak out si Edu. Birthday pa naman ng lolo Edu!
What the production did was to playback the tape of the whole scene.
And during the playback, it was proven na mali nga si Wendy dahil kulang ng unang syllable ang sagot nito.
Dahil he felt disrespected, lumabas si Edu ng studio. Nagpalamig daw ito ng ulo, according to our source.
Nag-walk out si Wendy. Tinanggal ang lapel mic at nametag at nagiiyak!
Na-tengga ang taping for a while. Pero kailangang ituloy ito dahil marami nang nakunang portions.
Let’s wait and see once they air the said episode. It’s the episode where the cast of Betty Le Fea guested.
This is something kaabang-abang, huh!