Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

No Sugar Added!

Nakakaloka at nakakaawa ang pamilya Gutierrez

richard gutierrez 198x300 Nakakaloka at nakakaawa ang pamilya GutierrezNa-crucify na si Richard Gutierrez in public nang wala man lang effort nang pagkuha sa side niya!

No’ng Sunday na-post sa isang website (sige na nga sa pep, sinabi na rin namin dahil hindi naman kami insi anoh) na nanutok daw ng baril si Richard G sa isang birthday party.

in short without further ado, nag-I-do sila ng pag ariba sa sulat at publish ng article.

kalerks. ayan tuloy nagalit ng bonggang-bongga si Bisaya (Mommy Annabel) at si Rufi (Ruffa) dahil di daw true ito at nagbanta ng legal action!

Monday ng gabi. NAG-SORRY ANG WEBSITE.

Kasi nga naman, we should get our facts straight. HINDI NAMAN PORKE’T WEBSITE TAYO e magsusulat na lang tayo ng kung-anu-anong MALING chismis! Poor Richard. Victim ng di-maganda at DI TOTOONG CHISMIS!

Ayan tuloy kakasuhan sila ng Gutierrez family.

Lagot.

Posted on Tuesday, March 31, 2009, 11:49am
Tags: , ,
323 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

TV RATINGS — MARCH 23 (TNS NATIONAL)

Ruffa & Ai (7.6%) vs. SIS (6.7%)

Pilipinas, Game K N B? (15.9%) vs. La Lola Orig (9.8%)

Wowowee (21.5%) vs. Eat Bulaga (16.2%)

Parekoy (11.6%) vs. Daisy Siete (16.5%)

Pieta (13.1%) vs. Paano ba mangarap? (18.8%)

La Traicion (10.8%) vs. Dapat Ka Bang Mahalin (19%)

Kiba (7.4%), Mr. Bean (10.7%) vs. Chill Princesses (7.9%)

Mischievous Princess (9.3%) vs. GOKSN (8.3%)

Kapamilya Deal or No Deal (17.4%) vs. Family Feud (13.7%)

TV Patrol World (31%) vs. 24 Oras (23.4%)

May Bukas Pa (37%) vs. Zorro (30.9%)

I Love Betty La Fea (37.7%) vs. Totoy Bato (28.2%)

Tayong Dalawa (35.1%) vs Babaing Hinugot sa Aking Tadyang (23.3%)

SNN (19.9%) vs. Fated to Love (19%)

Posted on Tuesday, March 24, 2009, 05:19pm
Tags:
69 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

PACQUIAO, DI MAINTINDIHAN ANG SARILI KUNG SAAN GUSTONG I-ERE ANG LABAN NIYA!

Naloka ang mga tao sa pabagu-bagong desisyon ni Manny “Pacman” Pacquiao the past several days.

Una, lumapit siya sa ABS-CBN para i-ere ang ang laban niya vs Hatton sa Kapamilya Network.

Pumalag ang Solar at ang GMA. May kontrata pa daw sa kanila si Pacman. Kaya naman nagkagulo siguro ang kampo ng boxer dahil sa bantang pagsasampa ng kaso ng Solar at GMA!

So ayun na nga: bumalik din sa GMA si Manny. Sinuportahan pa rin naman siya ng ABS-CBN kahit na nga parang na-drag pa ito sa mess na ginawa ni Pacquiao.

Sa totoo lang, ang tingin ng ilang juicers ano: mukhang di na talaga masaya sa deal na nakukuha si Manny sa Solar at GMA, kaya naman bumabalik ito sa ABSCBN na in the first place ay iniwanan na nito noon.

Ngayon, naging scapegoat pa ang Kapamilya network dahil akala ng ilan naman, sinusulot nito ang Pambansang Kamao. Na sa totoo lang anoh, e siyang lumapit sa ABS-CBN!

yun lang poh!manny pacquiao PACQUIAO, DI MAINTINDIHAN ANG SARILI KUNG SAAN GUSTONG I ERE ANG LABAN NIYA!

Posted on Monday, March 23, 2009, 11:13am
Tags: , , ,
175 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

SPOTTED!!!

OGIE AND MICHELLE, HAPPY TOGETHER WITH THE KIDS SA HONGKONG!

 

Na-sight ng aming sources sa Hongkong at direcho silang nag-email sa amin na nakita doon nitong mga nakaaraang araw si Ogie Alcasid with his ex-wife na si Michelle Van Eimeren kasama ang kanilang mga bagets na namamasyal sa Hongkong!

Ang saya naman! At least di ba, nakakabawi si Ogie dahil nga minsan lang siya makapagbigay ng oras sa mga bata dahil sa layo nga naman ng Australia (at ang mahal ng pamasahe ha?!). Shopping galore at Disneyland daw ang inatupag ng pamilya doon!

Hindi naman sure ang aming source kung andun din si Regine Velasquez na jowa ngayon ni Ogie. Kaya naman tanong din niya, hindi kaya ito ang reason kaya nag-iiyak si Songbird sa SOP noong Sunday at hindi naman talaga dahil sa mawawala na ang Kim Sam Soon!

 

Hindi naman siguro. It will be utterly selfish naman of Reg na ipagdamot si Ogie sa mga anak niya noh!

Besides, happy naman na rin si Michelle sa piling ng jowa niyang si Mark.

Posted on Friday, October 03, 2008, 07:35pm
Tags: , , ,
43 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

KISSING SCENES, MAJOR REASON NG HIWALAYANG SAM AT ANNE

09182008 samothers 300x300 KISSING SCENES, MAJOR REASON NG HIWALAYANG SAM AT ANNENa parang okey lang kay Anne

How true? How true?

E paano naman, walang pakundangan ang mga kissing scenes ni Anne sa Dyosa.

Imagine, in one episode, ilang beses nakipag-kissing scene ito with leading men Luis Manzano and Zanjoe Marudo.

And what do you expect na maging reasyon ni Sam? Matuwa at mag-enjoy na panoorin ang girlfriend niya na nakikipaghalikan sa dalawang lalake right in his face?

And take note, sa mga ganitong kissing scenes, walang resistance from Anne. Parang okey lang sa kanya. Hindi man lang kinonsider na may boyfriend siya.

E what can we do if Anne loves to kiss men?

Posted on Thursday, September 18, 2008, 09:53am
Tags: , , , ,
107 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

ANDREI FELIX, BINABANTAAN NGA BA NI PATRICK GARCIA?

09172008 jenylynpatrick 300x210 ANDREI FELIX, BINABANTAAN NGA BA NI PATRICK GARCIA?Malapit nang umuwi si Patrick galing America!

Gosh, hindi pala tapos ang issue na ito!

At hindi pa din nakaka-get over si Patrick Garcia sa involvement ni VJ Drei (Felix) kay Jennylyn Mercado.

Yes, hanggang ngayon ay nagseselos pa din si Patrick dahil sa closeness ni Jennylyn kay Drei.

If our memory serves us right, nang talikuran ni Patrick na panindigan ang  ipinagbubuntis ni Jennylyn, naging very close si Jennylyn kay Drei. Hindi ito nagustuhan ni Patrick. Hanggang sa manganak si Jennylyn, Drei was always there by Jennylyn and her baby’s side.

Drei and Jennylyn both denied na may relasyon sila. Pero if there’s one person na hindi naniniwala, it’s Patrick.

Hanggang sa America, dala ni Patrick ang selos at galit kay Drei. How true na he hasn’t stop sending text messages to Drei threatening na layuan nito si Jennylyn?

Next month, nakatakdang umuwi ng Pilipinas si Patrick mula sa States.

Hintayin natin ang paghaharap nina Drei at Patrick.

Posted on Tuesday, September 16, 2008, 03:15pm
Tags: , ,
47 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

SAM AT ANNE, SPLIT NA!

august312008 samanneindifference 300x225 SAM AT ANNE, SPLIT NA!Nagkakasakalan na nga ba?

KUMPIRMADONG hiwalay na sina Sam Milby at Anne Curtis.

Naghiwalay sina Sam at Anne noong Martes last wee. “Indifferences” ang dahilan ng split.

Si lalake ang nakipaghiwalay sa babae.

Ito na ang sinasabi ko sa mga showbiz romances. Hindi pa man nila inaamin ang kanilang relasyon, hiwalay na.

Matapos na mag-decide to call it quits, nagkakailangan na sina Sam at Anne. Nahihirapan pa ang direktor na si Wenn Deramas sa mga romantic scenes ng dalawa.

Well, let’s see kung sino ang unang aamin sa split.

Sa totoo lang, OA na din kasi sila sa sweetness. Mag-solo solo na lang sila, no!

Posted on Sunday, August 31, 2008, 09:20pm
Tags: , ,
78 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

ANGEL, DINEDMA NI WILMA GALVANTE!

sj angel1 253x300 ANGEL, DINEDMA NI WILMA GALVANTE!E paano, star of the night siya, no!

IF Wilma Galvante’s purpose ay pag-usapan siya sa ginawa niyang pangi-snub kay Angel Locsin sa Belo event recently, successful siya! Yes, walang pakialam ang nagmamagandang GMA executive na isnabin si Angel sa nasabing event.

Heto ang eskena: Lumapit si Angel sa lahat ng present sa event including Ms. Wilma. Nang babatiin niya ito, agad na lumayo ang nagmamagandang TV exec. Ang pobresitang Angel, smile pa din. As if walang nangyari. Good thing, katabi lang niya si Piolo Pascual na agad siyang hinawakan as if saying, “Okey lang yun.”

Gabi ni Ms. Wilma ang Belo event.

Una, nagawa niya ang drama niyang pangi-snub kay Angel.

Pangalawa, siya ang nanalong Star of the Night.

Ang bongga, di ba? Congrats, Ms. Wilma! Hmph!

Posted on Wednesday, August 13, 2008, 06:26pm
Tags: ,
77 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

RHIAN RAMOS, HATE NG MGA KAPUSO

rhianramos1 300x237 RHIAN RAMOS, HATE NG MGA KAPUSOAuntie Ida Henares, push-to-death sa career ng jomangkin!

Linawin ko lang ha… hindi naiinggit. Naiimbyerna!

Yes, imyerna ang fellow Kapuso stars dito kay Rhian! Paano ba naman, porket pamangkin siya ng GMA Artist Center big boss, feeling sikat ito. Power-tripping baga.

Kahit ang mga friends ko who work in the Kapuso network ay imbudo! At eto namang Ida chenes, may i push talaga kay Rhian na maging host ng Pinoy Idol. E hindi naman kagalingan mag-host, no!

Yan na nga ba ang sinasabi ko. Kapag nasa posisyon ka na ng isang company, tigil-tigilan yang “kamag-anak system” . Dyan kayo masisira, day!

Posted on Wednesday, July 09, 2008, 08:54am
Tags: , ,
19 comments na and growing! Join na!

No Sugar Added!

SUNSHINE, MAY MALALANG SAKIT!

sunshine 200x300 SUNSHINE, MAY MALALANG SAKIT!How true ang chism na drug-related ito?

Aalamin ko nga ang kuwento tungkol dito. Ang chika, may malala, hindi ko lang alam how grabe na sakit daw itong si Sunshine Dizon.

Pansin ko lang, madalas magkasakit itong si Sunshine. Laging nauospital. Sa dalas niyang maospital, hindi ko nga alam kung gimik ito or what. Pero ang nakakaloka, may kinalaman daw ang drugs!

Ang sabi, Sunshine is supposed to be a cast of Gaano Kadalas Ang Minsan. Nakapag-pictorial na ito and all. At dahil nga sa health conditions ni Sunshine, kailangang i-pull out siya at palitan ni Camille Prats.

Sunshine needs to show up para malinawan ang issue!  Hindi nakakatuwa ang isyu sa kanya, huh!

Posted on Wednesday, July 09, 2008, 08:22am
Tags:
3 comments na and growing! Join na!


Bookmark and Share