Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
JC, STAY NA SA GMA!
Heard nga namin from our juicers sa Kapuso network na inupo na ni Atty Felipe Gozon si Annabel at si JC. Ang ending: stay as 
Kapuso na nga si JC.
Ewan lang namin pero nagtatanong lang pow…
‘Di kaya nag-ingay lang si Bisaya para lang makapagpataas ng presyo kay JC? At kay Heart? At nagamit ang Kapamilya network in the process?
Ewan lang po namin ha, kasi di ba ganito rin ang nangyari kay Regine Velasquez noon? Some sorta nagpahaging siya sa ABS na type na nya lumipat, nag-guesting, tapos ang ending, stay pa rin siya with GMA with a teleserye, at ngayon meron ulit?
Yun lang pow!
TANONG: BAKIT CHINITO ANG ANAK NI JENNYLYN MERCADO?
Follow up question: e hindi naman chinita si Jennylyn or chinito si Patrick?
Nagtatanong lang po. Yun lang!
ANG TUNAY NA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI TINANGGAP NI EUGENE DOMINGO ANG LA LOLA
Na-heard namin that Eugene Domingo did not accept the supporting role na inoffer sa kanya sa upcoming GMA soap na La Lola dahil mag-coconcentrate daw muna siya sa movies.
Dami ngang ginagawa at gagawin ni Uge, including ang “Ang Tanging Ina Niyong Lahat”, at ang “Demetria” Busing-busy nga ang lola kaya di na magawa ang La Lola na pagbibidahan ni Rhian Ramos.
Pero ano ba tong mas malakas na bulong sa amin na ang true reason daw why di tinanggap ni Uge ang show ay dahil hindi siya naging happy sa kanyang GMA experience? Ever since naman ay very open si Uge sa pagsasabing gusto niyang sina-satisfy ang kanyang artistic hunger kaya choosy siya sa projects niya. Top to that, flop pa ang I.T.A.L.Y.!
Pero di ba, siya na rin naman ang nagsabi minsan na kaya rin siya nag-GMA ay dahil she has bills to pay? O.
Ang tanong ngayon, kung babalik ba siya sa ABS-CBN e welcome pa ba siya?