Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
ANG TUNAY NA DAHILAN KUNG BAKIT HINDI TINANGGAP NI EUGENE DOMINGO ANG LA LOLA
Na-heard namin that Eugene Domingo did not accept the supporting role na inoffer sa kanya sa upcoming GMA soap na La Lola dahil mag-coconcentrate daw muna siya sa movies.
Dami ngang ginagawa at gagawin ni Uge, including ang “Ang Tanging Ina Niyong Lahat”, at ang “Demetria” Busing-busy nga ang lola kaya di na magawa ang La Lola na pagbibidahan ni Rhian Ramos.
Pero ano ba tong mas malakas na bulong sa amin na ang true reason daw why di tinanggap ni Uge ang show ay dahil hindi siya naging happy sa kanyang GMA experience? Ever since naman ay very open si Uge sa pagsasabing gusto niyang sina-satisfy ang kanyang artistic hunger kaya choosy siya sa projects niya. Top to that, flop pa ang I.T.A.L.Y.!
Pero di ba, siya na rin naman ang nagsabi minsan na kaya rin siya nag-GMA ay dahil she has bills to pay? O.
Ang tanong ngayon, kung babalik ba siya sa ABS-CBN e welcome pa ba siya?
GOMA, BAGSAK-PRESYO NA!
Nagbaba ng talent fee magka-show lang
Come to think of it, matagal na si Richard Gomez sa GMA 7 pero wala pa din siyang sariling show to claim his own. Ang mga kaibigan niyang iniwan sa ABS ay may kani-kanila nang shows.
‘Tulad nina Edu Manzano, Cesar Montano or even Aga Muhlach.
Oo nga’t nasa cast siya ng Codename: Asero pero hindi niya ito sariling programa.
E paano naman, masyado daw mataas ang talent fee ni Goma.
Kaya para magkaroon lang ng solo show ay nagbaba si Goma ng talent fee.
Kaya siya ngayon ang host ng Family Feud na nabili ng GMA ang franchise.
‘Yan ang alagad ng sining — kahit bagsak-presyo, okey lang. Basta may trabaho.
SHERYL CRUZ, SAKIT NG ULO NG PRODUCTION
Nuknukan ng arte at demanding
Ano ba naman yan, She?
Ngayon ka pa ba naman magiinarte?
Eto ang kuwento.
Sa taping ng show niya sa ABS, nag-demand itong former That’s Entertainment star ng call time at cut off time.
She wants all her scenes done sa cut off time na ibinigay niya, or else, lalayasan niya ng taping. Kaya ayun, buwisit sa kanya ng production staff. While yung totoong bida ng show, walang reklamo.
At heto ang threat.
The producer vowed not to get her services again.
‘Buti na lang, tapos na ang taping ng show at hindi na nila makikitang muli ang fez ni Sheryl.
O ayan, She! Puwede ka na ulit magpahinga ng bonggang bongga dahil tapos na ang show mo!
VALERIE, SIPSIP KAY WILLIE
Scared ito na mataggal sa show just like Precious Lara!
OVER pala sa pagka-sipsip nitong si Valerie Concepcion kay Willie Revillame!
Lahat gagawin nito para maganda ang image niya sa kanilang bossing sa Wowowee!
At ang the height ng ka-cheap-an nitong si Valerie, araw-araw ay kalde-kaldero’ng ulam ang dinadala nito para kay Willie!
Biruan nga ng staff kapag isa-isa nang nagdadatingan ang mga kalderong dala ng mudra ni Valerie, “Ay, may pa-catering na naman!”
Careful as in kwidaw ngayon ang buong staff ng Wowowee kay Valerie. Scared ang mga ito na magsalita anything against Willie sa presence ni Valerie, dahil tiyak na makakarating ito sa male host!
CHERIE GIL, HIWALAY NA KAY RONI ROGOFF
Hindi na matutuloy mag-migrate sa Israel
ANO ba? Pang-apat na news na ito sa balitang hiwalayan!
At yes, sabi ng aming ever-reliable source, split na ang mahusay na aktres sa asawa nitong Israeli na si Roni Rogoff.
Matatandaan na year 2004, nabalita ding bound for splitsville na sina Cherie at Roni pero naayos nila ang problema.
But this time, it’s for real.
Cherie and Roni have 2 kids — sina Raphael and Bianca.
Ang sabi pa ng source ko, Cherie will be very active sa television. She agreed to accept the role to play Ryan Agoncillo’s mom in Pieta, a new ABS-CBN soap opera.
Tsk, tsk, tsk.
Sad naman kapag ganito katagal ang relasyon at nauuwi din sa hiwalayan.
MA’AM WILMA, NAALARMA!
Dahil sa patuloy na pagbaba ng ratings ng Kapuso shows!
NAKU, mainitin daw ang ulo ng favorite naming si Ma’am Wilma Galvante lately.
Ang reason?
Naalarma daw ito sa dumidikit na rating ng ABS shows sa GMA shows.
Kung dati ay kalahati ang agwat ng rating ng GMA shows sa mga katapat nitong ABS shows, ngayon ay halos dikit na ito. Siyempre, di type ni Ma’am Wilma ‘yun, no!
Seldom nang nakakakuha ng 40% rating ang Dyesebel.
Pati Asero, bumaba na din. It reached an all-time low of 30%
Lalo naman ang Kim Sam Soon, nasa 20% average rating na din.
Reaching 30% na ang rating nga mga Kapamilya primetime shows.
Pati ang Sunday block, nakuhang muli ng ABS ang dominance. Ilang weeks nang nilalampaso sa rating ng ASAP at The Buzz ang SOP at Showbiz Central respectively.
And by the way, nakita namin si Ma’am Wilma na nagpainterbyu sa isyu with Annabelle Rama.
Ang tarush ng favorite naming GMA TV head. Nagtataray kay Bisaya!
Wag masyadong mainit ang ulo, Ma’am Wilma ha. Ang puso….
CRISTINE AT DENNIS, HIWALAY NA DIN!
Career-move daw ang dahilan kuno!
TIYAK na may nagpipyesta ngayon sa balitang hiwalay na sina Cristine Reyes at Dennis Trillo. Nag-split ang dalawa last Wednesday. Career-move ang dahilan kung bakit nag-decide sina Dennis at Cristine to part ways at tapusin na ang kanilang tila dinidelubyong relasyon.
Sa kanilang hiwalayan, mas affected si Cristine. Napansin ito ng staff ng Kahit Isang Saglit. Kasama dito si Cristine.
Ayon sa isang reliable source, mutual na napagkasunduan nina Cristine at Dennis to call it quits. Parehong naapektuhan ang kanilang career sa kanilang relasyon.
Sa career, mas apektado si Dennis. Oo nga’t may mga shows siya sa GMA 7, pero tila slow ang pag-usad nito. While Cristine naman, kaliwa’t kanan din ang shows sa ABS, hindi makabuwelo nang husto dahil sa relasyon nila ni Dennis.
Though naghiwalay na, the fact remains na mahal na mahal nila Dennis at Cristine ang isa’t isa.
RUFFA OPTED TO STAY WITH THE KAPAMILYA NETWORK
Kahit may P2 million contract offer from Kapuso
NOW it can be told! Ruffa opted to stay with the Kapamilya network. Nag-expire na ang contract ni Ruffa with ABS-CBN and right away, in-offer-an ito ng Kapuso network. Or shall we say, “sinusulot na agad” ng GMA si Ruffa sa ABS-CBN.
A whooping P2 million guaranteed monthy fee ang offer kay Ruffa. Ipinarating agad ni Annabelle Rama ang offer kay Ruffa.
But the beauty queen-TV host-actress opted to stay with ABS-CBN.
From a reliable source, nagdayalog daw si Ruffa ng, “MOMMY, TAHIMIK NA ANG BUHAY KO SA ABS! I LOVE THE BUZZ! I LOVE BETTY LA FEA! HAPPY NA AKO SA ABS!
Pero eto na ang sad news.
Ruffa is no longer Bong Revilla, Jr.’s leading lady sa comeback movie nito sa Star Cinema. Una na itong nabalita pero the latest we heard ay hindi na siya.
How true na may kinalaman si Lani Mercado sa desisyong ito. Nakiusap ito sa Star Cinema na huwag si Ruffa ang maging lady ng asawa.
Sina Toni Gonzaga at Roxanne Guinoo ang dalawang pangalan na narinig namin na ipapalit kay Ruffa.
ANGEL, NAGHARAP NG WITNESS SA ABS-CBN BOSSES!
LINGID sa kaalaman ng marami, naganap na ang talks between Angel Locsin at ABS-CBN bosses Cory Vidanes, Malou Santos noong Martes. Present din ang controversial manager ni Angel na si Becky Aguila.
Between Angel at Claudine Barretto, mas willing si Angel na humarap. At para i-present ang side niya sa naganap na confrontation nila ni Claudine sa Antonio’s Salon.
Huwag mag-deny ang mga taga-ABS ito ha. I have my sources!
Sa pagharap nina Angel at Becky, kasama nila ang isang stylist ng Antonio’s. Nagbigay ito ng testimony sa mga nakita niya. At base sa statement ng stylist, si Claudine ang nagsimula ng gulo. Ilan pa daw sa mga nakakita ay ang staff ng ASAP na naka-schedule na interviewhin si Claudine.
Nalinis na ni Angel ang kanyang pangalan sa mga taga-Dos. Hinihintay na lang ng mga boss ng Dos ang paliwanag ni Claudine. This week ay magaganap daw ang meeting.
Ano naman kaya ang version ni Claudine? Magsabi kaya ito ng totoo?
ANG BONGGANG STAR MAGIC BALL!
Keri ba ng GMA mag-mount ng ganitong event?
WALA palang TV coverage ang Star Magic Ball held at EDSA Shangri-La last Sunday. Meaning, hindi natin mapapanood ang mga naganap na drama at mga celebrity na dumating.
Heto kasi ang mga nasagap kong news.
The whole time, sweet na sweet sina Sam at Anne.
May ka-date si Willie na new girl. Nakilala daw ito ni Willie sa audience ng Wowowee.
Deadmahan-to-death sina Bea at Roxanne. Siyempre, si Jake ang issue. Nag-aagawan sa isang lalake!
In fairness sa event na ito ng ABS-CBN, bongga talaga. Last year, bongga din.