Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
GOMA, BAGSAK-PRESYO NA!
Nagbaba ng talent fee magka-show lang
Come to think of it, matagal na si Richard Gomez sa GMA 7 pero wala pa din siyang sariling show to claim his own. Ang mga kaibigan niyang iniwan sa ABS ay may kani-kanila nang shows.
‘Tulad nina Edu Manzano, Cesar Montano or even Aga Muhlach.
Oo nga’t nasa cast siya ng Codename: Asero pero hindi niya ito sariling programa.
E paano naman, masyado daw mataas ang talent fee ni Goma.
Kaya para magkaroon lang ng solo show ay nagbaba si Goma ng talent fee.
Kaya siya ngayon ang host ng Family Feud na nabili ng GMA ang franchise.
‘Yan ang alagad ng sining — kahit bagsak-presyo, okey lang. Basta may trabaho.
AGA, NAPIKON KAY KRIS!
Naaawa sa panghihiya kay Charlene
FOLLOW up ito sa article sa nangyaring confrontation nina Kris at Charlene sa fashion event ni Randy Ortiz sa EDSA Shangri-La recently.
Nang mangyari ang sagutan nina Kris at Charlene, nakarating kaagad ito kay Aga Muhlach. Siyempre, may i-spluk si Charlene ng nangyari sa kanila ni Kris.
According to our source, “Napikon talaga si Aga! Hindi niya alam ang gagawin niya kapag nakita niya si Kris!”
Marami ang nakakita sa said incident. Bukod kay Lucy Torres, ando’n din si Ruffa Gutierrez, Claudine Barretto, Bea Alonzo at Phoemela Baranda.
O ayan, a lot of people are questioning about the veracity of this story. Pero paninindigan ng source namin na may naganap talagang ganitong incident.
Wait na lang kayo ng mga maglalabasan sa tabloids about this controversy. Sino kaya ang unang magsasalita? Si Kris? Si Charlene? O si Aga? Baka Ruffa have something to say to enlighten us.
What’s important is, dito sa www.showbizjuice.com unang lumabas ang controversial story.
LIEZL MARTINEZ DYING OF BREAST CANCER?
Diagnosed with breast cancer
NAKAKALUNGKOT ang balitang nakarating sa showbizjuice na Liezl Martinez was diagnosed with breast cancer.
Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, bigla lang itong na-diagnose at mabilis din ang pagkalat ng cancer cells. Kaya right away ay inoperahan ito. Walang linaw ang naging resulta ng operasyon ng asawa ni Albert Martinez.
Ngayon ay nasa rest house ng pinsang si Aga Muhlach sa Batangas si Liezl. Walang linaw kung nagpapagaling na ito o patuloy ang paglalala ng kanyang condition.
Dalangin namin at ng mga nagmamahal kay Liezl na malampasan niya ang matinding pagsubok na ito sa kanyang buhay.