Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

100% All-Natural!

Angel Locsin, wagi sa Only You – TNS April 27 ratings

Umagang Kay Ganda (5.2%) vs. Unang Hirit (3.9%)
Lastikman (12.8%) vs. Gadget Boy (5.7%)
Mr. Bean Live (14.6%) vs. Battle B. Daman (7.4%)
Reborn (11.3%) vs. Pokemon (12.5%)
Naruto Season 3 (8.4%) vs. Slamdunk (14.3%)
Ruffa & Ai (8.8%) vs. SIS (6.8%)
PGKNB (15.9%) vs. La Lola Orig (8%)
Wowowee (25.7%) vs. Eat Bulaga (14.1%)
Jim Hernandez’s Kambal Sa Uma (21.1%) vs. Daisy Siete (15.5%)/Paano Ba Ang Mangarap (18.3%)
Pieta (17.9%) vs. Dapat Ka Bang Mahalin(24.1%)
La Traicion (14%)/Kiba (11.2%) vs. Chill Princes (10.6%)
Mr. Bean (13.1%)/Hot Shot (15.9%) vs. Gokusen (12%)
Pinoy Bingo Night (19.3%) vs. Hole In The Wall (23.3%)
TV PATROL WORLD (32.9%) vs. 24 ORAS (27.9%)
May Bukas Pa (40.3%) vs. Zorro (27.8%)
Only You (39.2%) vs. Totoy Bato (27.4%)
Tayong Dalawa (31.4%) vs. Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang (22.5%)/All About EVe (19.2%)
SNN (14%) vs. Fated To Love You (18.3%)
Bandila (10.2%) vs. Ripley’s Believe It Or Not (11.9%)
Kalye (3.9%) vs. Saksi (5.5%)/I-Witness (3.5%)

Posted on Tuesday, April 28, 2009, 05:57pm
Tags: , ,
382 comments na and growing! Join na!

Sour!

WHAT’S THE FUSS WITH ANGEL LOCSIN’S MMK EPISODE?

022709 mmk2 WHATS THE FUSS WITH ANGEL LOCSINS MMK EPISODE?Naloloka lang kami ng bonggang-bongga why there’s such a big deal about Angel Locsin’s episode on MMK.

Naglabasan na sa dyaryo ang reklamo ng UP at ang statement naman ng ABS-CBN tungkol dyan ano. Pero say lang namin about the issue:

Una, balita nga namin na ‘di true na Summa Cum Laude ang nabaliw na girl. Pero graduate nga daw, batch 1980, ayon sa juicy friend namin from UPLB. Pero say namin dyan, ke Summa Cum Laude siya o hindi, nag-graduate siya, naging stripper, tapos nabaliw. Di nag-iba ang kwento.

Pangalawa naman, sa mga matataray na may say na unbelievable daw na di makakita ng work, haller. Look around.

Third, di naman perfect ang mga tao, sa dami naman ng nagawa ng show, anu ba naman ang di-sinasadyang pagkakamali kung saan nagsorry na naman sila!

Yun lang pow!

Posted on Wednesday, March 11, 2009, 01:27am
Tags: , , ,
187 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

ANGEL LOCSIN, NAAKSIDENTE!

Namaga ang mata at mukha

NAGKAROON ng freak accident sa set movie nila Piolo Pascual at Angel Locsin sa Bukidnon. Sa isang eksena, na-whip ni Angel ang mukha nito at tinamaan ang mata.

Mismong mga tagahanga ni Angel ang naghatid sa amin ng balitang ito via email.

“Sumobra yung turn niya and na-miscalculate ‘yung turn kaya na-whip niya ang mukha niya at tinamaan ang mata. Namaga ang mata niya and she was rushed sa hospital,” sabi ng portion ng email.

Dahil sa nangyari, na-extend ng 2 days ang stay ni Angel sa Bukidnon.

“Good thing, alert ang staff ng Star Cinema. Kaya nadala agad siya sa nearby hospital,” dagdag na impormasyon sa amin.

Magaling na si Angel at humupa na ang pamamaga ng mukha at mata nito.

Posted on Friday, September 26, 2008, 07:23pm
Tags: , ,
225 comments na and growing! Join na!

Freshly-Squeezed!

CLAUDINE AT ANGEL, MAGKAKASAMANG RARAMPA

09192008 claudineangelfriends 300x240 CLAUDINE AT ANGEL, MAGKAKASAMANG RARAMPAPatunay na all’s well with them

Next month, magkasamang rarampa sina Claudine Barretto at Angel Locsin sa big fashion event ng Folded & Hung.

This only goes to show na everything’s well with Claudine and Angel after controversy that happened between them few months back.

Very recently, nagkaroon ng exchange of text messages sina Claudine at Angel.

Claudine even gave Angel a book called Become A Better You: 7 Keys To Improving Your Life Every Day by Joel Osteen.

Exciting ang muling pagkikita nina Claudine at Angel sa said fashion event.

No Sugar Added!

ANGEL, DINEDMA NI WILMA GALVANTE!

sj angel1 253x300 ANGEL, DINEDMA NI WILMA GALVANTE!E paano, star of the night siya, no!

IF Wilma Galvante’s purpose ay pag-usapan siya sa ginawa niyang pangi-snub kay Angel Locsin sa Belo event recently, successful siya! Yes, walang pakialam ang nagmamagandang GMA executive na isnabin si Angel sa nasabing event.

Heto ang eskena: Lumapit si Angel sa lahat ng present sa event including Ms. Wilma. Nang babatiin niya ito, agad na lumayo ang nagmamagandang TV exec. Ang pobresitang Angel, smile pa din. As if walang nangyari. Good thing, katabi lang niya si Piolo Pascual na agad siyang hinawakan as if saying, “Okey lang yun.”

Gabi ni Ms. Wilma ang Belo event.

Una, nagawa niya ang drama niyang pangi-snub kay Angel.

Pangalawa, siya ang nanalong Star of the Night.

Ang bongga, di ba? Congrats, Ms. Wilma! Hmph!

Posted on Wednesday, August 13, 2008, 06:26pm
Tags: ,
77 comments na and growing! Join na!

Freshly-Squeezed!

ANGEL, NAGHARAP NG WITNESS SA ABS-CBN BOSSES!

angel locsin04 2 253x300 ANGEL, NAGHARAP NG WITNESS SA ABS CBN BOSSES!LINGID sa kaalaman ng marami, naganap na ang talks between Angel Locsin at ABS-CBN bosses Cory Vidanes, Malou Santos noong Martes. Present din ang controversial manager ni Angel na si Becky Aguila.

Between Angel at Claudine Barretto, mas willing si Angel na humarap. At para i-present ang side niya sa naganap na confrontation nila ni Claudine sa Antonio’s Salon.

Huwag mag-deny ang mga taga-ABS ito ha. I have my sources!

Sa pagharap nina Angel at Becky, kasama nila ang isang stylist ng Antonio’s. Nagbigay ito ng testimony sa mga nakita niya. At base sa statement ng stylist, si Claudine ang nagsimula ng gulo. Ilan pa daw sa mga nakakita ay ang staff ng ASAP na naka-schedule na interviewhin si Claudine.

Nalinis na ni Angel ang kanyang pangalan sa mga taga-Dos. Hinihintay na lang ng mga boss ng Dos ang paliwanag ni Claudine. This week ay magaganap daw ang meeting.

Ano naman kaya ang version ni Claudine? Magsabi kaya ito ng totoo?

Ripe for Picking!

RUFFA, DI TYPE SI HEART

ruffa040708 RUFFA, DI TYPE SI HEARTDahil maka-KC si Ruffing!

KINDA’ hindi feel ni Ruffa Gutierrez si Heart Evangelista. Of all the new leading sa TV ngayon, si Heart lang ang hindi feel ng actress/TV host.

Sa isang chikahan, na-mention ni Ruffing ang names like Anne, Bea, Kim, Angelica, Roxanne at Angel. Pero si Heart, wiz niya mention! Considering na si Heart ang leading lady ni Richard sa Asero.

Kailangan sigurong magpalakas pa ni Heart kay Ruffa para ma-win niya ang heart nito.

Walang heart si Ruffa kay Heart? Gano’n?

Juicy!

ANGEL, ALMOST NUDE SA BILLBOARD!

Dapat tapatan nina Anne, Bea, Kim, Roxanne

image 5 200x300 ANGEL, ALMOST NUDE SA BILLBOARD!Naka-up na ang billboard ni Angel Locsin for Folded & Hung. Half-naked na si Angel sa said billboard. Pero may K siya. Ganda ng make up pati body – super sexy! Walang kiyems sa pag-display ng body!

Wala pang any local star na nag-pose ng ganun for a billboard. Kahit si Claudine, noong single pa siya, hindi nag-pose ng ganon.

Dini-dare ko ang ibang endorser na tapatan ang billboard ni Angel!

Sino ba ang dini-dare ko?

Si Marian Rivera

Si Anne Curtis

Si Bea Alonzo

Si Kim Chiu

Si KC Concepcion

Si Roxanne G at iba pa!

O ayan, I dare them na maghubad na sa billboard!



Bookmark and Share