Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
WHO WAS THE GUY ANNE CURTIS WAS KISSING AT FIAMA?
NALOKAH ang mga people who witnessed Anne Curtis kissing a guy. This happened 2 weeks ago sa VIP room ng Fiama. The guy is non-showbiz.
Anne was with friends Raymond Gutierrez, Borgy Manotoc, Ornussa Cadness at anak ni Francis Magalona.
Nabaliw ang mga partygoers sa Fiama sa nakita nilang eksena ni Anne na nakikipaghalikan sa guy sa VIP area ng venue! Naging wild na nga ba si Anne after her break up with Sam?
Well, care naman natin kung makipaghalikan man si Anne with a guy. She’s broken up with Sam and she is very much single, di ba?
SHARON, IMBYERNA KAY ANNE CURTIS!
Heard namin na juice na bwisit na bwisit daw ngayon si Megamom Shawie kay Dyosa star Anne Curtis! Concentrated ang anger!
Na-heard daw ni Mega thru friends na bina-badmouth daw ni Dyosa si KC Concepcion kaya naman luminya daw si Shawie na, “HUWAG NIYANG IDAMAY ANG ANAK KO SA MGA PROBLEMA NIYA KAY SAM (MILBY)! KUNG HINDI AKO ANG MAKAKALABAN NIYA. KUNG SAKALING LIGAWAN NI SAM ANG ANAK KO, KASALANAN BA NIYA ‘YON???!!!!”
Taray!
Naku lagot Anne, choose your battles sweetheart!
ANNE, DI TYPE ANG PANLILIGAW NI SAM KAY KC
Bina-badmouth si KC?
Wiz type ni Anne Curtis ang isyung making porma ang kanyang ex-boyfriend sa megadaughter.
Hurt pa din si Anne sa nangyari sa relasyon nila ni Papa Sam. She couldn’t get over her feelings for Sam.
Pero what’s this chika na nakarating sa amin na Anne has started badmouthing KC? Apparently, may mga sinasabi si Anne about KC. Na hindi magugustuhan ni KC kapag nalaman niya.
If our memory serves us right, she did it before with Toni Gonzaga no’ng na-link ito kay Sam.
Nakakaloka kapag nakarating na sa concerned ang isyung ito.
Let’s see what the Megastar has to say about it.
Exciting!
KISSING SCENES, MAJOR REASON NG HIWALAYANG SAM AT ANNE
Na parang okey lang kay Anne
How true? How true?
E paano naman, walang pakundangan ang mga kissing scenes ni Anne sa Dyosa.
Imagine, in one episode, ilang beses nakipag-kissing scene ito with leading men Luis Manzano and Zanjoe Marudo.
And what do you expect na maging reasyon ni Sam? Matuwa at mag-enjoy na panoorin ang girlfriend niya na nakikipaghalikan sa dalawang lalake right in his face?
And take note, sa mga ganitong kissing scenes, walang resistance from Anne. Parang okey lang sa kanya. Hindi man lang kinonsider na may boyfriend siya.
E what can we do if Anne loves to kiss men?
SAM AT ANNE, SPLIT NA!
Nagkakasakalan na nga ba?
KUMPIRMADONG hiwalay na sina Sam Milby at Anne Curtis.
Naghiwalay sina Sam at Anne noong Martes last wee. “Indifferences” ang dahilan ng split.
Si lalake ang nakipaghiwalay sa babae.
Ito na ang sinasabi ko sa mga showbiz romances. Hindi pa man nila inaamin ang kanilang relasyon, hiwalay na.
Matapos na mag-decide to call it quits, nagkakailangan na sina Sam at Anne. Nahihirapan pa ang direktor na si Wenn Deramas sa mga romantic scenes ng dalawa.
Well, let’s see kung sino ang unang aamin sa split.
Sa totoo lang, OA na din kasi sila sa sweetness. Mag-solo solo na lang sila, no!
ANG BONGGANG STAR MAGIC BALL!
Keri ba ng GMA mag-mount ng ganitong event?
WALA palang TV coverage ang Star Magic Ball held at EDSA Shangri-La last Sunday. Meaning, hindi natin mapapanood ang mga naganap na drama at mga celebrity na dumating.
Heto kasi ang mga nasagap kong news.
The whole time, sweet na sweet sina Sam at Anne.
May ka-date si Willie na new girl. Nakilala daw ito ni Willie sa audience ng Wowowee.
Deadmahan-to-death sina Bea at Roxanne. Siyempre, si Jake ang issue. Nag-aagawan sa isang lalake!
In fairness sa event na ito ng ABS-CBN, bongga talaga. Last year, bongga din.
RUFFA, DI TYPE SI HEART
Dahil maka-KC si Ruffing!
KINDA’ hindi feel ni Ruffa Gutierrez si Heart Evangelista. Of all the new leading sa TV ngayon, si Heart lang ang hindi feel ng actress/TV host.
Sa isang chikahan, na-mention ni Ruffing ang names like Anne, Bea, Kim, Angelica, Roxanne at Angel. Pero si Heart, wiz niya mention! Considering na si Heart ang leading lady ni Richard sa Asero.
Kailangan sigurong magpalakas pa ni Heart kay Ruffa para ma-win niya ang heart nito.
Walang heart si Ruffa kay Heart? Gano’n?
ANGEL, ALMOST NUDE SA BILLBOARD!
Dapat tapatan nina Anne, Bea, Kim, Roxanne
Naka-up na ang billboard ni Angel Locsin for Folded & Hung. Half-naked na si Angel sa said billboard. Pero may K siya. Ganda ng make up pati body – super sexy! Walang kiyems sa pag-display ng body!
Wala pang any local star na nag-pose ng ganun for a billboard. Kahit si Claudine, noong single pa siya, hindi nag-pose ng ganon.
Dini-dare ko ang ibang endorser na tapatan ang billboard ni Angel!
Sino ba ang dini-dare ko?
Si Marian Rivera
Si Anne Curtis
Si Bea Alonzo
Si Kim Chiu
Si KC Concepcion
Si Roxanne G at iba pa!
O ayan, I dare them na maghubad na sa billboard!