Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
BARON, TSINUGI NI CHITO RONO SA MOVIE
Dahil nag-extend ng stay sa Venice
HINDI na nahintay ni Chito Rono si Baron Geisler kaya pinalitan na ito sa pelikulang T2 topbilled by Maricel Soriano sa Star Cinema.
Si Baron sana ang gaganap sa very challenging role sa said movie. Nag-commit naman ito. At nang kailangan nang mag-shoot, ayun at nag-extend pala sa Venice at nagpapakasarap.
Walang sinabihan si Baron na extended ang stay niya sa Venice. Wala siyang pakialam kung kailangan na siya sa shoot.
Kaya ang ginawa ni Chito, pinalitan na niya si Baron.
He was replaced by Eric Fructuoso.
DAHIL SA KALASINGAN, BARON NAPA-TROUBLE SA VENICE; MUNTIK NANG DI MAKAUWI NG PILIPINAS
Muntik nang ‘di makauwi ng Pilipinas.
Dumating na si Baron Geisler noong Lunes mula Venice. He attended the highly-prestigious Venice Film Festival para sa movie niyang Jay.
Pero imbes na karangalan ang dala pauwi ng Pilipinas, eskandalo ang baon nito.
Dahil sa sobrang kalasingan, he got into trouble with some people there.
Muntik na itong makasuhan dahil sa trobol na nangyari. At muntik nang ma-detain doon.
Ayan, pansinin ninyo, tahimik ang pagdating ni Baron. Halos ilihim ito.
Kung tutuusin, dapat ay excited itong ibalita ang tungkol sa nangyari sa nasabing film fest.
E paano nga, may kalokohan na namang ginawa!
Tsk…tsk…tsk…