Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
JAKE AT BEA, TULOY ANG LIGAYA
After maghiwalay ng 2 days, balikan na naman
NAKAKALOKA ang dalawang ito. Nagkabalikan na naman pala!
Matapos magiiyak ni Jake because he was dumped by Bea, ayun at nagkabalikan pala ang mga hitad.
Last Sunday afternoon, nakita ng source namin sina Bea at Jake na magkasama sa isang restaurant sa Quezon City. In fairness, marami naman sila. Pero hindi maitatangi na sila na naman.
Naku, huwag nila itong i-deny, no!
Kitang-kita sila ng spy ng www.showbizjuice.com.
AGA, NAPIKON KAY KRIS!
Naaawa sa panghihiya kay Charlene
FOLLOW up ito sa article sa nangyaring confrontation nina Kris at Charlene sa fashion event ni Randy Ortiz sa EDSA Shangri-La recently.
Nang mangyari ang sagutan nina Kris at Charlene, nakarating kaagad ito kay Aga Muhlach. Siyempre, may i-spluk si Charlene ng nangyari sa kanila ni Kris.
According to our source, “Napikon talaga si Aga! Hindi niya alam ang gagawin niya kapag nakita niya si Kris!”
Marami ang nakakita sa said incident. Bukod kay Lucy Torres, ando’n din si Ruffa Gutierrez, Claudine Barretto, Bea Alonzo at Phoemela Baranda.
O ayan, a lot of people are questioning about the veracity of this story. Pero paninindigan ng source namin na may naganap talagang ganitong incident.
Wait na lang kayo ng mga maglalabasan sa tabloids about this controversy. Sino kaya ang unang magsasalita? Si Kris? Si Charlene? O si Aga? Baka Ruffa have something to say to enlighten us.
What’s important is, dito sa www.showbizjuice.com unang lumabas ang controversial story.
JAKE AT BEA, SPLIT NA DIN!
Eh naging sila ba?
ABA, usung-uso talaga ang showbiz hiwalayan.
Una sina Sam Milby at Anne Curtis.
Pangalawa sina Dennis Trillo at Cristine Reyes!
At ngayon, sina Jake Cuenca at Bea Alonzo naman!
Last Saturday, Jake was seen looking so devastated. It was the day na nag-split sila ni Bea. Jake was with the company of his male friends.
They both realized na di sila meant for each other.
This is another case of hindi pa man umaamin, hiwalay na!
For now, ‘yun muna ang info about the 3rd showbiz split for the season.
Our highly-placed source promised to provide us more info sa hiwalayang ito nina Jake at Bea.
Sino kaya ang nakipaghiwalay kanino?
WHAT WAS JEAN GARCIA DOING IN JAKE CUENCA’S PAD?
Siya ba ang mystery woman ni Jake?
How true? How true? Madalas daw makita si Jean Garcia sa pad ng hunk actor na si Jake Cuenca.
Teka, is there something going on between them? Sino ba talaga ang tunay na babae sa buhay ni Jake? Confusing na ito, huh!
Whatever happened to Bea Alonzo who is said to be Jake’s girlfriend?
Kaloka na itong si Jake. Andami nang babaeng nali-link!
ANG BONGGANG STAR MAGIC BALL!
Keri ba ng GMA mag-mount ng ganitong event?
WALA palang TV coverage ang Star Magic Ball held at EDSA Shangri-La last Sunday. Meaning, hindi natin mapapanood ang mga naganap na drama at mga celebrity na dumating.
Heto kasi ang mga nasagap kong news.
The whole time, sweet na sweet sina Sam at Anne.
May ka-date si Willie na new girl. Nakilala daw ito ni Willie sa audience ng Wowowee.
Deadmahan-to-death sina Bea at Roxanne. Siyempre, si Jake ang issue. Nag-aagawan sa isang lalake!
In fairness sa event na ito ng ABS-CBN, bongga talaga. Last year, bongga din.
RUFFA, DI TYPE SI HEART
Dahil maka-KC si Ruffing!
KINDA’ hindi feel ni Ruffa Gutierrez si Heart Evangelista. Of all the new leading sa TV ngayon, si Heart lang ang hindi feel ng actress/TV host.
Sa isang chikahan, na-mention ni Ruffing ang names like Anne, Bea, Kim, Angelica, Roxanne at Angel. Pero si Heart, wiz niya mention! Considering na si Heart ang leading lady ni Richard sa Asero.
Kailangan sigurong magpalakas pa ni Heart kay Ruffa para ma-win niya ang heart nito.
Walang heart si Ruffa kay Heart? Gano’n?
ANGEL, ALMOST NUDE SA BILLBOARD!
Dapat tapatan nina Anne, Bea, Kim, Roxanne
Naka-up na ang billboard ni Angel Locsin for Folded & Hung. Half-naked na si Angel sa said billboard. Pero may K siya. Ganda ng make up pati body – super sexy! Walang kiyems sa pag-display ng body!
Wala pang any local star na nag-pose ng ganun for a billboard. Kahit si Claudine, noong single pa siya, hindi nag-pose ng ganon.
Dini-dare ko ang ibang endorser na tapatan ang billboard ni Angel!
Sino ba ang dini-dare ko?
Si Marian Rivera
Si Anne Curtis
Si Bea Alonzo
Si Kim Chiu
Si KC Concepcion
Si Roxanne G at iba pa!
O ayan, I dare them na maghubad na sa billboard!
JAKE MAKING PORMA KAY BEA!
Iniwan mo si Roxanne dahil kay Bea?
Now it can be told! And you read it first in showbizjuice.com.
Pinupormahan ngayon ni Jake si Bea. Yes, this is after na makipag-split si Jake kay Roxanne. Bea naman is loveless too! Wala itong dyowa dahil nakipag-split naman kay Papa Mico!
But wait! After Roxanne, si Bea naman. Hindi kaya mabuhay na naman ang rift between Bea and Roxanne? If you still remember, nagkaroon ng word war ang dalawa sometime 3 years ago. E di mas bongga at mas masaya!