Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
CLAUDINE AT ANGEL, MAGKAKASAMANG RARAMPA
Patunay na all’s well with them
Next month, magkasamang rarampa sina Claudine Barretto at Angel Locsin sa big fashion event ng Folded & Hung.
This only goes to show na everything’s well with Claudine and Angel after controversy that happened between them few months back.
Very recently, nagkaroon ng exchange of text messages sina Claudine at Angel.
Claudine even gave Angel a book called Become A Better You: 7 Keys To Improving Your Life Every Day by Joel Osteen.
Exciting ang muling pagkikita nina Claudine at Angel sa said fashion event.
AGA, NAPIKON KAY KRIS!
Naaawa sa panghihiya kay Charlene
FOLLOW up ito sa article sa nangyaring confrontation nina Kris at Charlene sa fashion event ni Randy Ortiz sa EDSA Shangri-La recently.
Nang mangyari ang sagutan nina Kris at Charlene, nakarating kaagad ito kay Aga Muhlach. Siyempre, may i-spluk si Charlene ng nangyari sa kanila ni Kris.
According to our source, “Napikon talaga si Aga! Hindi niya alam ang gagawin niya kapag nakita niya si Kris!”
Marami ang nakakita sa said incident. Bukod kay Lucy Torres, ando’n din si Ruffa Gutierrez, Claudine Barretto, Bea Alonzo at Phoemela Baranda.
O ayan, a lot of people are questioning about the veracity of this story. Pero paninindigan ng source namin na may naganap talagang ganitong incident.
Wait na lang kayo ng mga maglalabasan sa tabloids about this controversy. Sino kaya ang unang magsasalita? Si Kris? Si Charlene? O si Aga? Baka Ruffa have something to say to enlighten us.
What’s important is, dito sa www.showbizjuice.com unang lumabas ang controversial story.
ANGEL, NAGHARAP NG WITNESS SA ABS-CBN BOSSES!
LINGID sa kaalaman ng marami, naganap na ang talks between Angel Locsin at ABS-CBN bosses Cory Vidanes, Malou Santos noong Martes. Present din ang controversial manager ni Angel na si Becky Aguila.
Between Angel at Claudine Barretto, mas willing si Angel na humarap. At para i-present ang side niya sa naganap na confrontation nila ni Claudine sa Antonio’s Salon.
Huwag mag-deny ang mga taga-ABS ito ha. I have my sources!
Sa pagharap nina Angel at Becky, kasama nila ang isang stylist ng Antonio’s. Nagbigay ito ng testimony sa mga nakita niya. At base sa statement ng stylist, si Claudine ang nagsimula ng gulo. Ilan pa daw sa mga nakakita ay ang staff ng ASAP na naka-schedule na interviewhin si Claudine.
Nalinis na ni Angel ang kanyang pangalan sa mga taga-Dos. Hinihintay na lang ng mga boss ng Dos ang paliwanag ni Claudine. This week ay magaganap daw ang meeting.
Ano naman kaya ang version ni Claudine? Magsabi kaya ito ng totoo?