Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Breaking Juice

“TADYANG” TINADYAKAN?! PUPUTULIN NA DAW SA ERE?

 TADYANG TINADYAKAN?! PUPUTULIN NA DAW SA ERE?Heard namin ang sa news mula sa isang loyal Dingdong-Marian diehard.

Hanggang April na lang daw ang taping ng Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. After daw ng isang closed-door meeting ng mga top GMA execs e nadecide na nga nilang paiksiin na lang ang show kasi daw, kahit anong lipat ng timeslot hindi tumataas ang rating. Imagine, two points lang ang itinaas sa rating nang agahan ang timeslot?

Heard din namin na last na ito ni Direk Joyce Bernal sa GMA (unless magkaroon ulit ng offer ang GMA na
‘di na naman niya ma-refuse). Sabi rin ng diehard Marian-Dingdong fan na very reliable, ‘di rin daw happy si Direk Joyce sa naging performance ng show, dahil na rin hindi popular ang material.

‘Di daw happy ang mga execs talaga sa show dahil supposedly, after ng dalawang teleseryes na isang remake at isang fantaserye, ang “tadyang” dapat ang magiging acting piece na ng dalawang bida at supposedly ang magbibigay sa kanila ng critical acclaim. THEY FAILED in their expectations, ayon pa rin sa source.

At pahuling say ng aming source, ibabalik na lang ulit sila sa fantaserye genre, dahil hanggang dun lang ata talaga ang kakayahan nila, ni Marian particularly, lalo na’t nagkakaedad na siya, at baka di na maprolong ang star power.
Ang sad naman ng realizations nila.

Yun lang poh!

Freshly-Squeezed!

ANO ANG IBIG SABIHIN NG SILENCE NI KARYLLE SA ALLEGED PREGNANCY NI MARIAN??

May alam kaya siya?

KANINA sa The Buzz, Karylle took the hot seat in the Tough Ten segment. Nasagot niya ang lahat ng tough questions ni Boy Abunda.

Pero sa last part ng interview, when asked about the issue of Marian Rivera’s alleged pregnancy courtesy of Dingdong Dantes, isang ngiti lang ang sagot ni Karylle.

Makahulugan ang hindi pagsagot ni Karylle.

Does it mean na alam siya?

Yes, bulung-bulongan sa showbiz ang alleged pregnancy ni Marian.

Yun lang poh!

Posted on Sunday, December 14, 2008, 06:52pm
Tags: , , ,
2,523 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

KARYLLE, KAPAMILYA NA!

Pumirma na ng kontrata kaninang tanghali!

 

Certified Kapamilya na si Karylle! Kaninang tanghali, our source called informing us na natuloy na ang pagpirma ng ex-girflriend ni Dingdong Dante sa Kapamilya network.

 

Says our source, “Karylle arrived 5 am this morning, direct flight from Las Vegas. She travelled alone. She fixed few things lang and then went straight to ABS-CBN for the contract-signing.”

 

“With her contract sa Kapamilya network, she will be part of ASAP starting this Sunday. And kasama din siya sa cast ng Maruja. Si Kristine Hermosa ang lead. Then, may bago din siyang album sa EMI. That’s about it,” reveals our source.

 

Tonight naman, she will be presented to the press sa isang bonggang presscon.

 

So yun!

Breaking Juice

TICKETS SA DINGDONG-MARIAN SHOW SA L.A., IPINAMIGAY NA LANG!

sup dingdong marian ad TICKETS SA DINGDONG MARIAN SHOW SA L.A., IPINAMIGAY NA LANG!NGAYONG gabi ang show nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Shrine Auditorium sa Los Angeles. Bongga ang venue! Tumataginting na 6,000 ang capacity nito.

Pero alam nyo ba mga Kapuso, according to our source na andun ngayon sa venue, 400 tickets lang ang nabenta! Yes, apat na raan!

Kaya para hindi mapahiya ang mga kababayan nating stars, ipinamigay, yes as in free na ang tickets sa said show! Kawawa naman yung mga nag-purchase! Magiging free show na lang pala ito.

Masyado naman kasing ambitious ang producer. E hindi pa naman gano’n kapopular sina Dingdong at Marian sa abroad. Nagsisimula pa lang silang makilala, tapos isasalang na sa isang 6,000 capacity venue!

Tsk…tsk…tsk…

Posted on Saturday, December 06, 2008, 01:52pm
Tags: , ,
995 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

UPDATE: MAY VICTORY PARTY ANG ONE TRUE LOVE!

Dahil sa dami ng feedback sa tunay na kinahinatnan ng One True Love starring Marian at Dingdong, update namin kayo!

Kagabi, nagvictory party daw ang GMA Films para sa nasabing pelikula.

Declaration nila, naka P100M sila in one week!

Pero ayon sa aking reliable juicy source, naka P32M in 7 days.

‘Yun lang poh!

Posted on Thursday, November 27, 2008, 05:55pm
Tags: , , ,
742 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

UPDATE: ONE TRUE LOVE BOX OFFICE GROSS (1st and 2nd day)

sj onetru1 300x234 UPDATE: ONE TRUE LOVE BOX OFFICE GROSS (1st and 2nd day)

ONGOING ang showing ng One True Love, ang launching film nina Dingdong Dantes at Marian Rivera under GMA Films at Regal Films.

According to reports na ni-release ng PR department ng GMA, the movie grossed P10 million sa first day nito.

But according to our very reliable source, the movie grossed P4.5 million sa first day nito. On its second day, kumita ito ng P3.8 million.

Yun lang po.

 

Sour!

WHATEVER HAPPENED TO ONE TRUE LOVE?

sj marianding WHATEVER HAPPENED TO ONE TRUE LOVE?Sad naman.

Kasi daw as of 3pm today, according sa mga sources namin sa bookers ng mga sinehan NATIONWIDE, napakamot na lang sila ng ulo and asked aloud, “whatever happened?” kasi P1M pa lang ng mga oras na’yon ang kinikita ng Dingdong-Marian movie na One True Love!

Kasi kung ito ang naging tracking ng movie, parang lalabas na P4M lang ang kikitain nito hanggang last screening mamaya.

That’s too bad!

Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nagkaganito ang box-office results ng pelikula?

1.  Mahina nga ba ang promo?

2. Pang-television nga lang ba ang loveteam nila?

3.  Tuluy-tuloy nga ba ang pagiging jinx ni Dingdong Dantes sa box-office (name a movie niya na kumita please)?

4.  Affected nga ba ang mga tao sa paghihiwalay ni Dingdong at Karylle at kinampihan nga ba ng taumbayan si Karylle?

5.  Wala talagang purchasing power ang kapuso fans?

6.  All of the above.

Sad naman. Sana bumiti ang box-office results within the week. Gising na Marian Knights at mga Dongyanatics!

Posted on Wednesday, November 19, 2008, 06:35pm
Tags: , ,
891 comments na and growing! Join na!

100% All-Natural!

DINGDONG, TURN OFF NA SA TOTOONG UGALI NI MARIAN

09192008 dingdongkaka 300x240 DINGDONG, TURN OFF NA SA TOTOONG UGALI NI MARIANBistado na ang ugali ng screen partner.

No less than her screen partner Dingdong Dantes ang nakita na ang tunay na ugali ni Marian Rivera.

Una na itong nakita ni Richard Gutierrez. Kaya turn-off ang aktor sa magaspang na ugali ng pinakasikat na aktres ng GMA 7.

Unti-unti ay nakikita na din ito ni Dingdong. Dalawang magkasunod na TV projects ang pinagsamahan nina Dingdong at Marian. Sa Marimar at ngayon ay sa Dyesebel.

Sa mga close friends and coworkers ng aktor ay na-overhear si Dingdong expressing his disgust sa nakikita niyang ugali ng kanyang screen partner.

Hindi maitatanggi na may kagaspangan talaga ang ugali ni Marian. Hindi na siguro kailangan ng proofs dahil usap-usapan ito mismong sa bakuran ng Kapuso network. Ang biggest proof ay ang controversial youtube video niya na tumatalak sa isang guy. At ilan pang videos.

Posted on Sunday, September 21, 2008, 01:51pm
Tags: , , , , ,
420 comments na and growing! Join na!

Thirst-Quencher!

KARYLLE, INSECURE SA CAREER NI DINGDONG

dingdong karylle 2gether 300x210 KARYLLE, INSECURE SA CAREER NI DINGDONGKaya pumayag makipag-kissing scene sa musical!

Kailangan nang gumawa ng move ni Karylle para makasabay sa magandang career ni Papa Dingdong Dantes, no! Kaya lang, mukhang desperate move ang ginawa ni dalaga ni Zsa Zsa!

E bakit hindi desperate? Nakipaghalikan ba naman sa musical na ginawa niya? Yes, may kissing si Karylle sa said musical na di ako masyadong interested!

Eh ang bongga naman kasi ng career ni Papa D. Imagine, top-rating ang Dyesebel niya. Tapos left and right pa ang endorsements. Si Karylle, wala. Hindi ko nga ma-recall kung ano ang shows niya sa Kapuso e.



Bookmark and Share