Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
WENDY AIRS HER SIDE: “WAG N’YO AKONG GAWING LIBANGAN!”
Iniyakan ang kaliwa’t kanang intriga
BUMIGAY na si Wendy Valdez sa kaliwa’t kanang intriga sa kanya!
Kanina sa The Buzz, Wendy airs her side sa intriga sa kanya at kay GKNB host Edu Manzano.
‘Yun ang unang pagkakataon na nagsalita si Wendy tungkol sa controversy.
And we’re proud to say, the news first broke here in www.showbizjuice.com. At walang denial na nangyari, huh!
Inamin ni Wendy na umiyak siya. Na nag-walk out siya dahil naniniwala siyang tama siya.
Really, our sources don’t fail!
Kanina, iniyakan ni Wendy ang mga intriga sa kanya.
Sinimulan niya noong PBB days pa niya. Ito ay dahil lang daw sa isang pagkakamali.
“Gabi-gabi, umiiyak ako! Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali” sabi ng controversial star.
Pakiusap nito sa kanyang detractors, “Huwag n’yo akong gawing libangan!”
You be the judge.
Kung misinterpreted lang ba si Wendy or sadyang may attitude problem talaga ito.
GOMA, BAGSAK-PRESYO NA!
Nagbaba ng talent fee magka-show lang
Come to think of it, matagal na si Richard Gomez sa GMA 7 pero wala pa din siyang sariling show to claim his own. Ang mga kaibigan niyang iniwan sa ABS ay may kani-kanila nang shows.
‘Tulad nina Edu Manzano, Cesar Montano or even Aga Muhlach.
Oo nga’t nasa cast siya ng Codename: Asero pero hindi niya ito sariling programa.
E paano naman, masyado daw mataas ang talent fee ni Goma.
Kaya para magkaroon lang ng solo show ay nagbaba si Goma ng talent fee.
Kaya siya ngayon ang host ng Family Feud na nabili ng GMA ang franchise.
‘Yan ang alagad ng sining — kahit bagsak-presyo, okey lang. Basta may trabaho.
EDU MANZANO AT WENDY VALDEZ, NAGKASAGUTAN SA TAPING NG GKNB
Edu at Wendy, sabay na nag-walk out
ALL the while we thought ay reformed na itong si Wendy Valdez sa kanyang katarayan. Wiz pa pala.
At no less than OMB Chairman and GKBN host Edu Manzano ang pinatikim ng katarayan ng former PBB housemate.
It had happened sa taping ng GKNB last Friday, according to showbizjuice.com sources.
During the game, nagkaroon ng heated argument sina Edu at Wendy. It has something to do with an answer ni Wendy sa question ni Edu.
Edu, believed Wendy gave a wrong answer. But Wendy was insistent.
Wendy said something like, “Don’t make me appear I’m a liar!” During the show ha!
Doon na-nag-freak out si Edu. Birthday pa naman ng lolo Edu!
What the production did was to playback the tape of the whole scene.
And during the playback, it was proven na mali nga si Wendy dahil kulang ng unang syllable ang sagot nito.
Dahil he felt disrespected, lumabas si Edu ng studio. Nagpalamig daw ito ng ulo, according to our source.
Nag-walk out si Wendy. Tinanggal ang lapel mic at nametag at nagiiyak!
Na-tengga ang taping for a while. Pero kailangang ituloy ito dahil marami nang nakunang portions.
Let’s wait and see once they air the said episode. It’s the episode where the cast of Betty Le Fea guested.
This is something kaabang-abang, huh!