Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Breaking Juice

ROSE FLAMINIANO ISSUES STATEMENT ON MR. ROLLIE CONCEPCION’S DEMISE

NAKAKUHA ang showbizjuice.com source ng copy ng statement ni Mrs. Flaminiano sa pagkamatay ng ama ng kanyang nakaalitang alaga. Matatandaan na ilang araw bago pumanaw si Daddy Rollie ay isang malaking iskandalo ang nangyari sa pagitan nina Gabby at Mommy Rose. Umabot ito sa demandahan.

Narito ang official statement ni Mrs. Flaminiano:

Nakikiramay ako sa buong pamilya sa pagpanaw ni Mr. Concepcion. Meron man kaming hindi pagkakaunawaan ngayon ni Gabby, namaalam si Mr. Concepcion na maayos ang aming relasyon. I am setting aside whatever is between me and Gabby at the moment and pay my last respects. Maraming salamat po.”

Posted on Wednesday, September 24, 2008, 03:36pm
Tags: , ,
68 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

KC, PUPUNTA NGAYONG GABI SA LAMAY NG LOLO, BAGO LUMIPAD PAPUNTANG VIENNA, AUSTRIA SA BIYERNES

GABI ng Martes, nang sumakabilang-buhay si Mr. Rollie Concepcion ay nagtatawagan na sina Gabby at KC Concepcion. Isa si KC sa mga unang tinawagan ni Gabby para ipaalam ang malungkot na balita.

Ngayong gabi ay nakatakdang dumalaw si KC sa labi ng kanyang lolo. Pero hindi na niya mahihintay ang takdang araw ng libing nito. Dahil sa Biyernes, nakatakda siyang lumipad papuntang Vienna, Austria para sa premiere ng movie nila ni Richard Gutierrez.

Ayon sa aming source, kailangan daw um-attend ni KC ng said movie premiere sa Europe dahil may pinirmahan itong kontrata.

 

Posted on Wednesday, September 24, 2008, 03:33pm
Tags: , ,
51 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

DADDY NI GABBY, NAKABUROL SA MONTESSORI DE SAN JUAN CHAPEL

KASALUKUYANG nakaburol sa chapel ng Montessori de San Juan (#3 Montessori Lane, San Juan City) ang labi ni Mr. Rollie Concepcion, ang yumaong ama ni Gabby Concepcion. Namatay si Daddy Rollie sa edad na 72 sa Lourdes Hospital noong Martes ng gabi, September 23.

Ginulat ang showbiz sa pagpanaw ni Daddy Rollie. Matatandaan na umuwi si Gabby ng Pilipinas dahil sa maselang kondisyon ng kalusugan ng ama.

Ilang beses ding naging emotional si Gabby kapag natatanong tungkol sa kalagayan ng ama.

Hindi rin nagustuhan ni Daddy Rollie ang sunud-sunod na intriga sa anak. Partikular ang kontrobersiya sa pagitan ni Gabby at ng manager nitong si Mrs. Rose Flaminiano.

Posted on Wednesday, September 24, 2008, 03:31pm
Tags: , ,
19 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

DADDY NI GABBY CONCEPCION, PUMANAW NA!

Isang text message ang kumalat na pumanaw na nga ang ama ng nagbabalik na aktor sa Lourdes Hospital na si Daddy Rollie 30 minutes ago.

Ayon sa text message na nakuha ng showbizjuice, “sobra-sobra dinamdam ang mga tira kay gabby, naapektuhan maapektuhan masyado. hindi kinaya.”

Iyak ng iyak daw si Gabby at ang mga kapatid niya. Hindi ito makausap as of the moment.

‘Yan ang latest, bukas, ang iba pang developments.

Our condolences.

Posted on Tuesday, September 23, 2008, 10:58pm
Tags: ,
69 comments na and growing! Join na!

Juicy!

MOMMY ROSE SET TO FACE MORE CHARGES

09182008 rosemeronpangiba 225x300 MOMMY ROSE SET TO FACE MORE CHARGESKaliwa’t kanang kaso, naghihintay!

SEEMS like matagal pa ang itatakbo ng problema ni Mrs. Rose Flaminiano.

Matapos niyang idemanda si Gabby Concepcion, siya naman ang nakatakdang makatanggap ng demanda mula sa iba’t ibang personalidad.

Mula sa mapagkakatiwalaang sources, tatlong showbiz personalities ang magsasampa ng demanda laban sa film producer turned talent manager.

Una, isang sikat na aktres. Tungkol daw ito sa properties na binili ng aktres kay Mommy Rose.

Pangalawa, isa pang aktres. May kinalaman pa din ito sa investments.

Ikatlo, isang talent manager cum reporter. Tungkol pa din ito sa properties.

Kailangang ayusin ni Mommy Rose ang problema niya sa mga taong ito. Dahil kapag hindi niya naagapan, baka parang bulkan na sasabog ang isyung ito.

Posted on Thursday, September 18, 2008, 09:55am
Tags: , ,
47 comments na and growing! Join na!

Freshly-Squeezed!

GABBY OFFICIALLY DROPS ROSE FLAMINIANO AS MANAGER

Exclusive: Copy of the letter sent by Atty. Fortun to Mrs. Flaminiano

MAINIT na pinag-uusapan sa showbiz ngayon ang sigalot between Gabby Concepcion at Rose Flaminiano. Lahat ay gustong makakuha ng fresh info sa latest showbiz controversy na ito.

Both Gabby and Mrs. Flaminiano have opted not to speak up YET.

Pero dito sa www.showbizjuice.com, WE’RE FIRST!

Narito na ang kopya ng sulat ng lawyer ni Gabby na si Atty. Fortun kay Mrs. Rose Flaminiano na nagpapa-terminate ng kanilang business relationship.

Heto na.

Read n’yo na lang.

ej1 218x300 GABBY OFFICIALLY DROPS ROSE FLAMINIANO AS MANAGERej2 218x300 GABBY OFFICIALLY DROPS ROSE FLAMINIANO AS MANAGERej3 218x300 GABBY OFFICIALLY DROPS ROSE FLAMINIANO AS MANAGER

Posted on Saturday, September 13, 2008, 03:51pm
Tags: , ,
46 comments na and growing! Join na!

Ripe for Picking!

GABBY, GUSTO NANG KUMALAS KAY MOMMY ROSE

09082008 gabbybabay 300x225 GABBY, GUSTO NANG KUMALAS KAY MOMMY ROSEHe wants transparency sa kinikita niya

WE saw it coming!

At mukhang tuloy na ang paghihiwalay ng landas nina Gabby Concepcion at business manager nitong si Mommy Rose (Flaminiano).

True kaya na maraming nabuking si Gabby sa pamamaraan ng pakikipag-deal ni Mommy Rose sa kanyang mga projects.

Gusto ni Gabby na malinaw ang accounting ng lahat ng kinikita niya.

Aba, dapat lang naman, no! May masama ba kung gustong malaman ni Gabby kung magkano ang kinikita niya sa bawat projects na ginagawa niya? E siya itong nagpapakakuba sa pagtatrabaho, no!

Gabby must have discovered something fishy.

O again, dito sa showbizjuice.com n’yo unang nabalitaan ito ha.

Wait tayo kapag nag-explode na ito sa showbizlandia.

Posted on Monday, September 08, 2008, 11:00am
Tags: ,
19 comments na and growing! Join na!

100% All-Natural!

MAY “MEGA” HEADACHE NA SI KAWAWANG KC

sj sharon13 MAY MEGA HEADACHE NA SI KAWAWANG KCIni-stress out ng bonggang-bongga ni Mega!

KUNG akala natin ay tapos na ang pressure sa buhay ni KC Concepcion, after that Buzz tell-all kuning interview, nagkakamali kayo. Dahil mas naging matindi ang pressure ngayong kay KC
At ang rason? Ang mommy niyang si Sharon Cuneta!

From a reliable source, nag-request pala si Mega ng copy ng nasabing Buzz interview ni KC.  For some reason, gustong ma-review ni Mega ang mga sinabi ni KC sa interview. And guess what? Hindi nagustuhan ni Sharon ang statement ni KC na gusto nitong makita ang Papa Gabby niya sa premiere night ng movie nila ni Richard.

Yes, very much against si Mega sa statement na yun ng anak.  Kaya ngayon, ang pobreng KC, naghihirap ang kalooban dahil sa sobrang pressure.

Posted on Wednesday, August 13, 2008, 06:21pm
Tags: , ,
41 comments na and growing! Join na!


Bookmark and Share