Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
sino para s’yo ang karapat-dapat?
past entry namin: ruffa and john lloyd, may something? (or nagkasomething?)
na-hear din namin ang chika na: last year pala, binalak ligawan ni Piolo si Ruffa!
haba naman ng hair ng ate ruffa!
kung ikaw ang magdedecide, sinetch mas type mo for ruffa and why?
a. Piolo
b. John Lloyd
c. or dapat yong kasing edad niya?
d. balik na lang siya kay Yilmaz?
go vote na go!
Ruffa and John Lloyd, may something?

Or nagkasomething?
‘Di talaga mapigilan ang itchy wagging tongues ng ating juicer. Chinika niya sa amin na may nakahuli daw sa dressing room kay Ruffa at John Lloyd na super patweetums with each other! Kalerky!
At heto pa, nang makita daw ng dalawa na may dumating na isang staff ng I Love Betty La Fea, jerky, “pulling away from each other” moment ang naganap!
Are we seeing a new couple in the making? or ang moment ay moment lang? asking lang poh!
SARAH G, PINA-PUNCHLINE ANG MUDRA!
Ang OA kasi sa pagka-manang!
Ayan, dahil sa sobrang pagka-conservative, madalas ma-punchline ang mudra ni Sarah G! At pati si Sarah G herself ay puma-punchline na din sa kanyang dearest mom!
E paano ba naman. Hindi pa rin nito ma-accept na dalaga na si Sarah. Wiz talaga niya type na maligawan ang kanyang jiha. Unica hija ba si Sarah?
Anyway, ayan, pati mga promo coordinator ng movie nila ni John Lloyd sa Star Cinema, ay pina-punchline si Divine!
Naku, day! Tantanan mo na ang ka-OAan mo sa pagiging conservative, no! Dahil kahit ano’ng gawin mo, dadating ang time na magkakadyowa si Sarah G!
E eto nga’t nagsimula nang magpahaging ang mga boys no’ng i-announce ni Sarah na open na siyang magpaligaw!