Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
WHEN I MET YOU, MAHINA ANG OPENING DAY!
Sad naman ang news na nasagap namin…
P3M nationwide lang daw ang kinita ng 2nd movie nina KC at Richard.
Yun lang po. From a very reliable source ‘yan.
KC, NAHAWA KAY RICHARD!
Isang cute na kwento sa set ng GMA films.
Singhot ng singhot si KC. Tinanong siya why siya may sakit…
“E kasi Richard was sick when we did our kissing scene and I was so healthy before that. Kaya ayun, next day, ubo na ko ng ubo.”
Kawawa naman sila. Cute!
KC AT RICHARD, ‘DI MAGKASUNDO SA STORY NG MOVIE NA GAGAWIN SA GMA FILMS
Parehong gustong masunod!
KALOWKAH naman this story shared by our ever-reliable source. Hindi daw magkasundo sina KC Concepcion and Richard Gutierrez sa story ng movie where they’re teaming up under GMA Films.
First, it was Richard who complained about the story. He demanded for some changes. Of course, ibibigay kay Richard ang demands nito being the Kapuso network’s prime artist.
When it was presented to KC, eto naman ang mega-complain. She wants some changes and revisions too.
Kaya daw nalolowkah na ngayon ang writer/director nito na si Joey Reyes dahil sa pakikialam ng dalawang bidang artista sa script niya.
And till it’s settled (the kaguluhan sa script), hindi magsisimulang mag-shoot ang movie. What if mabuwisit si Joey at hindi gawin tapusin ang script at ‘di gawin ang movie? Yun ang mas nakakalowkah!
Deva, mga ineng?!
SHARON, IMBYERNA KAY ANNE CURTIS!
Heard namin na juice na bwisit na bwisit daw ngayon si Megamom Shawie kay Dyosa star Anne Curtis! Concentrated ang anger!
Na-heard daw ni Mega thru friends na bina-badmouth daw ni Dyosa si KC Concepcion kaya naman luminya daw si Shawie na, “HUWAG NIYANG IDAMAY ANG ANAK KO SA MGA PROBLEMA NIYA KAY SAM (MILBY)! KUNG HINDI AKO ANG MAKAKALABAN NIYA. KUNG SAKALING LIGAWAN NI SAM ANG ANAK KO, KASALANAN BA NIYA ‘YON???!!!!”
Taray!
Naku lagot Anne, choose your battles sweetheart!
ANNE, DI TYPE ANG PANLILIGAW NI SAM KAY KC
Bina-badmouth si KC?
Wiz type ni Anne Curtis ang isyung making porma ang kanyang ex-boyfriend sa megadaughter.
Hurt pa din si Anne sa nangyari sa relasyon nila ni Papa Sam. She couldn’t get over her feelings for Sam.
Pero what’s this chika na nakarating sa amin na Anne has started badmouthing KC? Apparently, may mga sinasabi si Anne about KC. Na hindi magugustuhan ni KC kapag nalaman niya.
If our memory serves us right, she did it before with Toni Gonzaga no’ng na-link ito kay Sam.
Nakakaloka kapag nakarating na sa concerned ang isyung ito.
Let’s see what the Megastar has to say about it.
Exciting!
SHARON AT KC, FLY NG HONGKONG
SUMABOG ang issue sa hiwalayang Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan.
Naging laman ng diyaryo ang diumano paghihiwalay nina Sharon at Kiko Pangilinan. Hindi pa clear kung totoo ito at ang involvement ng ilang tao.
The day na sumabog ang isyu, lumipad papuntang Hong Kong ang mag-inang Sharon at KC.
Siyempre, the first person na iiyakan ni Sharon sa kanyang problema ay ang kanyang darling KC.
Balitang devastated ngayon si Sharon.
KC, PUPUNTA NGAYONG GABI SA LAMAY NG LOLO, BAGO LUMIPAD PAPUNTANG VIENNA, AUSTRIA SA BIYERNES
GABI ng Martes, nang sumakabilang-buhay si Mr. Rollie Concepcion ay nagtatawagan na sina Gabby at KC Concepcion. Isa si KC sa mga unang tinawagan ni Gabby para ipaalam ang malungkot na balita.
Ngayong gabi ay nakatakdang dumalaw si KC sa labi ng kanyang lolo. Pero hindi na niya mahihintay ang takdang araw ng libing nito. Dahil sa Biyernes, nakatakda siyang lumipad papuntang Vienna, Austria para sa premiere ng movie nila ni Richard Gutierrez.
Ayon sa aming source, kailangan daw um-attend ni KC ng said movie premiere sa Europe dahil may pinirmahan itong kontrata.
MAY “MEGA” HEADACHE NA SI KAWAWANG KC
Ini-stress out ng bonggang-bongga ni Mega!
KUNG akala natin ay tapos na ang pressure sa buhay ni KC Concepcion, after that Buzz tell-all kuning interview, nagkakamali kayo. Dahil mas naging matindi ang pressure ngayong kay KC
At ang rason? Ang mommy niyang si Sharon Cuneta!
From a reliable source, nag-request pala si Mega ng copy ng nasabing Buzz interview ni KC. For some reason, gustong ma-review ni Mega ang mga sinabi ni KC sa interview. And guess what? Hindi nagustuhan ni Sharon ang statement ni KC na gusto nitong makita ang Papa Gabby niya sa premiere night ng movie nila ni Richard.
Yes, very much against si Mega sa statement na yun ng anak. Kaya ngayon, ang pobreng KC, naghihirap ang kalooban dahil sa sobrang pressure.
ANNABELLE RAMA, USING POKWANG FOR PUBLICITY!
Power-tripping si Bisaya! Pinatanggal si Pokwang sa KC-Richard movie!
Hello! E ang tagal nang ini-spoof ni Pokwang si Bisaya, now lang siya nagri-react? I can smell na may i-use-me-in-a-sentence si Bisaya kay Pokwang dahil may movie itong ipapalabas, no! Kasi nga, wala masyadong ingay ang movie. Ayun, si Pokwang ang napaginitang gamitin for publicity.
Wiz ko pa watch ang show ni Pokwang and Pooh pero I heard, funny dalawa talaga. Say ng source ko, standing room ang Music Museum. Say pa ng source ko, nothing naman daw negative sa pag-mention ni Pokwang sa kambal ni Bisaya.
Dahil buwisit kuning itong si Bisaya kay Pokwang, pinatatanggal ito sa cast ng movie ng anak with KC Concepcion. Si Pokwang ang gaganap na yaya ni ewan ko kung kay Richard o KC.
Ang latest na narinig ko, pinatanggal na ni Pokwang sa writer ng show ang part na ini-spoof niya si Annabelle. Natakot siguro ang hitad! Natakot na mawala sa kanya ang role sa KC-Richard movie!
ANGEL, ALMOST NUDE SA BILLBOARD!
Dapat tapatan nina Anne, Bea, Kim, Roxanne
Naka-up na ang billboard ni Angel Locsin for Folded & Hung. Half-naked na si Angel sa said billboard. Pero may K siya. Ganda ng make up pati body – super sexy! Walang kiyems sa pag-display ng body!
Wala pang any local star na nag-pose ng ganun for a billboard. Kahit si Claudine, noong single pa siya, hindi nag-pose ng ganon.
Dini-dare ko ang ibang endorser na tapatan ang billboard ni Angel!
Sino ba ang dini-dare ko?
Si Marian Rivera
Si Anne Curtis
Si Bea Alonzo
Si Kim Chiu
Si KC Concepcion
Si Roxanne G at iba pa!
O ayan, I dare them na maghubad na sa billboard!