Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
ROSALINDA, KINASUSUKLAMAN NG SARILING DIREKTOR!
Grabe naman itong balitang natanggap namin, di pa man din nagla-launch ang upcoming show na ito ng GMA, nilalait na.
Pero giit ng juicer kong taga GMA 7, pagkatapos daw na ilang araw mag-work for the project e bumaback out na daw si Direk Maryo J delos Reyes dahil kay Carla Abellana! Say ng mashoray nating friend, nashoshoray daw si Direk Maryo dahil di daw marunong umarte ang baguhang si Carla at wala daw siyang makitang kahit anong potential!
Kakaloka. Ang tanong: bakit si Direk Maryo J pa rin ang direktor hanggang ngayon?
E well, baka maraming bayarin. :)
Kung true man ang balita kay Carla, ang good news, mabait naman daw ang bata. So give natin chance devah?
Si Marian kasi bano na umarte, wala pa proper manners!
Speaking of Ate Marian, ang harsh ng tinatawag sa kanya ng ilang mga detractors ha, tawagin ba siyang MATANDARNA? kalerks!
“TADYANG” TINADYAKAN?! PUPUTULIN NA DAW SA ERE?
Heard namin ang sa news mula sa isang loyal Dingdong-Marian diehard.
Hanggang April na lang daw ang taping ng Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. After daw ng isang closed-door meeting ng mga top GMA execs e nadecide na nga nilang paiksiin na lang ang show kasi daw, kahit anong lipat ng timeslot hindi tumataas ang rating. Imagine, two points lang ang itinaas sa rating nang agahan ang timeslot?
Heard din namin na last na ito ni Direk Joyce Bernal sa GMA (unless magkaroon ulit ng offer ang GMA na
‘di na naman niya ma-refuse). Sabi rin ng diehard Marian-Dingdong fan na very reliable, ‘di rin daw happy si Direk Joyce sa naging performance ng show, dahil na rin hindi popular ang material.
‘Di daw happy ang mga execs talaga sa show dahil supposedly, after ng dalawang teleseryes na isang remake at isang fantaserye, ang “tadyang” dapat ang magiging acting piece na ng dalawang bida at supposedly ang magbibigay sa kanila ng critical acclaim. THEY FAILED in their expectations, ayon pa rin sa source.
At pahuling say ng aming source, ibabalik na lang ulit sila sa fantaserye genre, dahil hanggang dun lang ata talaga ang kakayahan nila, ni Marian particularly, lalo na’t nagkakaedad na siya, at baka di na maprolong ang star power.
Ang sad naman ng realizations nila.
Yun lang poh!
Marian, Bi-noo sa Cebu!
Yes mga juicers, nakakaloka nga ang naganap na ito sa katatapos lang na Sinulog Festival.
Narinig na namin ang chikang ‘yan pero since wala kami dun, di namin pinost, until may isang juicer na nagpadala sa amin ng mga evidence!
hetong una, click nyo ang link na’to: marian binoo sa Cebu from Youtube
at sa nakikita nyo naman, ang newspaper article about it.

heto’ng translation!
Bakit nag-BOO kay Marian Rivera ang mga tao noong Sinulog?
Ay! Korek ka talaga Ryan! Nung dumaan sa aming tapat, si Anne Curtis talaga ang tinilian. Nag-boo ang mga tao kay Marian, Ryan! sa may Mango Avenue pagdaan ng kanyang float.Doon kasi kami nag-abang sa tapat ng Rivergate Ry!nang huminto ang Van na sinakyan ni Marian at Will kasi ililipat sila sa float,at ng lumabas na siya ay dinumog siya ng mga tao,so ,isinara nalang ang Van hindi talaga naka-lipat si Marian,so,hiniyawan siya ng mga tao.Nagalit ang mga tao kasi gusto nilang makita si Marian,kaya lang hindi siya makalabas,nagalit talaga kami ….From Tita Nenen Toledo…
Kuya Ry! Totoo talaga na nag boo ang mga tawo kay Marian andon kasi ako sa Mango Avenue!Sikat lang si Marian sa Manila.Hindi siya sikat dito sa Cebu… From Laiza of Liloan…
Ry! Kapamilya kasi ang nanood sa Grandstand. B i-noo talaga si Marian.Pero si Richard Gutierrez hindi…From Smac,Minglanilla
Pagpasok sa float ni Marian at Will Devaugh ,matagal natapos ang pag-boo! at nakadalawa at nakatatlo pa! Ganun pala dahil sa “We’re proud to be Kapuso” na banner na winagayway, Nung inalis na yun,natigil na ang pag boo…Sumayaw parin si Marian ng ilang steps even if bi-noo siya!..From Ezel of Talisay..
Ang ganda ni Marian,kaya lang she is petite!Nasiyahan ako kasi doon sa Jones Avenue,sinigawan siya ng “KARYLLE!” Hahaha! ..From Debra of Lahug…
ANO ANG IBIG SABIHIN NG SILENCE NI KARYLLE SA ALLEGED PREGNANCY NI MARIAN??
May alam kaya siya?
KANINA sa The Buzz, Karylle took the hot seat in the Tough Ten segment. Nasagot niya ang lahat ng tough questions ni Boy Abunda.
Pero sa last part ng interview, when asked about the issue of Marian Rivera’s alleged pregnancy courtesy of Dingdong Dantes, isang ngiti lang ang sagot ni Karylle.
Makahulugan ang hindi pagsagot ni Karylle.
Does it mean na alam siya?
Yes, bulung-bulongan sa showbiz ang alleged pregnancy ni Marian.
Yun lang poh!
TICKETS SA DINGDONG-MARIAN SHOW SA L.A., IPINAMIGAY NA LANG!
NGAYONG gabi ang show nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Shrine Auditorium sa Los Angeles. Bongga ang venue! Tumataginting na 6,000 ang capacity nito.
Pero alam nyo ba mga Kapuso, according to our source na andun ngayon sa venue, 400 tickets lang ang nabenta! Yes, apat na raan!
Kaya para hindi mapahiya ang mga kababayan nating stars, ipinamigay, yes as in free na ang tickets sa said show! Kawawa naman yung mga nag-purchase! Magiging free show na lang pala ito.
Masyado naman kasing ambitious ang producer. E hindi pa naman gano’n kapopular sina Dingdong at Marian sa abroad. Nagsisimula pa lang silang makilala, tapos isasalang na sa isang 6,000 capacity venue!
Tsk…tsk…tsk…
UPDATE: MAY VICTORY PARTY ANG ONE TRUE LOVE!
Dahil sa dami ng feedback sa tunay na kinahinatnan ng One True Love starring Marian at Dingdong, update namin kayo!
Kagabi, nagvictory party daw ang GMA Films para sa nasabing pelikula.
Declaration nila, naka P100M sila in one week!
Pero ayon sa aking reliable juicy source, naka P32M in 7 days.
‘Yun lang poh!
UPDATE: ONE TRUE LOVE BOX OFFICE GROSS (1st and 2nd day)

ONGOING ang showing ng One True Love, ang launching film nina Dingdong Dantes at Marian Rivera under GMA Films at Regal Films.
According to reports na ni-release ng PR department ng GMA, the movie grossed P10 million sa first day nito.
But according to our very reliable source, the movie grossed P4.5 million sa first day nito. On its second day, kumita ito ng P3.8 million.
Yun lang po.
WHATEVER HAPPENED TO ONE TRUE LOVE?
Sad naman.
Kasi daw as of 3pm today, according sa mga sources namin sa bookers ng mga sinehan NATIONWIDE, napakamot na lang sila ng ulo and asked aloud, “whatever happened?” kasi P1M pa lang ng mga oras na’yon ang kinikita ng Dingdong-Marian movie na One True Love!
Kasi kung ito ang naging tracking ng movie, parang lalabas na P4M lang ang kikitain nito hanggang last screening mamaya.
That’s too bad!
Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nagkaganito ang box-office results ng pelikula?
1. Mahina nga ba ang promo?
2. Pang-television nga lang ba ang loveteam nila?
3. Tuluy-tuloy nga ba ang pagiging jinx ni Dingdong Dantes sa box-office (name a movie niya na kumita please)?
4. Affected nga ba ang mga tao sa paghihiwalay ni Dingdong at Karylle at kinampihan nga ba ng taumbayan si Karylle?
5. Wala talagang purchasing power ang kapuso fans?
6. All of the above.
Sad naman. Sana bumiti ang box-office results within the week. Gising na Marian Knights at mga Dongyanatics!
BILLY AT MARIAN, MAY NAKARAAN?
Parehong matinik!
KUNG matinik si Billy Crawford, hindi magpapatalo si Marian Rivera!
Knows nyo ba na nu’ng active pa si Billy sa Kapuso network ay may something din sila ni Marian! At that time, Marian wasn’t a big star yet. Isa pa lang siya sa mga struggling starlets ng network.
Yes, it may not be a relationship. But it’s something na tiyak na ikaka-insecure ng kanilang present partners.
Ngayong big star na si Marian, for sure, she won’t admit na may namagitan sa kanila ni Billy. Hindi rin magugustuhan ni Dingdong what set up there was between Marian and Billy before.
DINGDONG, TURN OFF NA SA TOTOONG UGALI NI MARIAN
Bistado na ang ugali ng screen partner.
No less than her screen partner Dingdong Dantes ang nakita na ang tunay na ugali ni Marian Rivera.
Una na itong nakita ni Richard Gutierrez. Kaya turn-off ang aktor sa magaspang na ugali ng pinakasikat na aktres ng GMA 7.
Unti-unti ay nakikita na din ito ni Dingdong. Dalawang magkasunod na TV projects ang pinagsamahan nina Dingdong at Marian. Sa Marimar at ngayon ay sa Dyesebel.
Sa mga close friends and coworkers ng aktor ay na-overhear si Dingdong expressing his disgust sa nakikita niyang ugali ng kanyang screen partner.
Hindi maitatanggi na may kagaspangan talaga ang ugali ni Marian. Hindi na siguro kailangan ng proofs dahil usap-usapan ito mismong sa bakuran ng Kapuso network. Ang biggest proof ay ang controversial youtube video niya na tumatalak sa isang guy. At ilan pang videos.