Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Sour!

MGA ENTERTAINMENT REPORTER, LAMAN NG MAPANIRANG CHAIN EMAIL

august312008chainmail MGA ENTERTAINMENT REPORTER, LAMAN NG MAPANIRANG CHAIN EMAILPara linisin daw ang entertainment industry! Hmph!

YES, mga entertainment reporters ang laman ngayon ng isang email na umiikot sa internet.

The said email contains revelation sa mga malpractice ng entertainment press. At kung paanong inaabuso ng press ang kanilang propesyon bilang manunulat.

Matapang ang pagkakasulat ng chain email. Hindi mo rin masasabing 100% factual. May ilang reporters na dapat ay kasama sa mga nilalait pero hindi nasama ang mga ito.

Mas bongga kung lalantad ang sinumang nagsulat ng chain email para magkaalaman kung may basehan ang kanyang sinulat o sadyang paninira lang ito. Or shall we say, inggit lang ang nagsulat.

Posted on Sunday, August 31, 2008, 09:18pm
Tags: , ,
7 comments na and growing! Join na!


Bookmark and Share