Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Juicy!

GOMA, BAGSAK-PRESYO NA!

09172008 richardsale 240x300 GOMA, BAGSAK PRESYO NA!Nagbaba ng talent fee magka-show lang

Come to think of it, matagal na si Richard Gomez sa GMA 7 pero wala pa din siyang sariling show to claim his own. Ang mga kaibigan niyang iniwan sa ABS ay may kani-kanila nang shows.

‘Tulad nina Edu Manzano, Cesar Montano or even Aga Muhlach.

Oo nga’t nasa cast siya ng Codename: Asero pero hindi niya ito sariling programa.

E paano naman, masyado daw mataas ang talent fee ni Goma.

Kaya para magkaroon lang ng solo show ay nagbaba si Goma ng talent fee.

Kaya siya ngayon ang host ng Family Feud na nabili ng GMA ang franchise.

‘Yan ang alagad ng sining — kahit bagsak-presyo, okey lang. Basta may trabaho.



Bookmark and Share