Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Breaking Juice

DADDY NI GABBY, NAKABUROL SA MONTESSORI DE SAN JUAN CHAPEL

KASALUKUYANG nakaburol sa chapel ng Montessori de San Juan (#3 Montessori Lane, San Juan City) ang labi ni Mr. Rollie Concepcion, ang yumaong ama ni Gabby Concepcion. Namatay si Daddy Rollie sa edad na 72 sa Lourdes Hospital noong Martes ng gabi, September 23.

Ginulat ang showbiz sa pagpanaw ni Daddy Rollie. Matatandaan na umuwi si Gabby ng Pilipinas dahil sa maselang kondisyon ng kalusugan ng ama.

Ilang beses ding naging emotional si Gabby kapag natatanong tungkol sa kalagayan ng ama.

Hindi rin nagustuhan ni Daddy Rollie ang sunud-sunod na intriga sa anak. Partikular ang kontrobersiya sa pagitan ni Gabby at ng manager nitong si Mrs. Rose Flaminiano.

Posted on Wednesday, September 24, 2008, 03:31pm
Tags: , ,
19 comments na and growing! Join na!

Breaking Juice

DADDY NI GABBY CONCEPCION, PUMANAW NA!

Isang text message ang kumalat na pumanaw na nga ang ama ng nagbabalik na aktor sa Lourdes Hospital na si Daddy Rollie 30 minutes ago.

Ayon sa text message na nakuha ng showbizjuice, “sobra-sobra dinamdam ang mga tira kay gabby, naapektuhan maapektuhan masyado. hindi kinaya.”

Iyak ng iyak daw si Gabby at ang mga kapatid niya. Hindi ito makausap as of the moment.

‘Yan ang latest, bukas, ang iba pang developments.

Our condolences.

Posted on Tuesday, September 23, 2008, 10:58pm
Tags: ,
69 comments na and growing! Join na!


Bookmark and Share