Hi Juicers!                                                                

The response has been really, really overwhelming!

Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!

Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?

Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!

Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.

Pero ito ang juicy truth ha:

Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!

Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!

Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?

So basa na ulit! Go!

Juicy!

NADIA MONTENEGRO NIRESBAKAN SI CRISTY FERMIN

t 21 nadia NADIA MONTENEGRO NIRESBAKAN SI CRISTY FERMINSuko na sa paninira ng TV/radio host/columnist

HINDI na nakayanan ni Nadia Montenegro ang paninira nina Cristy Fermin at Mommy Rose Flaminiano. Nagsalita na si Nadia dalawang talk shows. Una sa Startalk. The following day sa The Buzz.

Nadia was highly-emotional habang kausap ni Boy. It happened na nasa Canada si Cristy para sa ilang araw na bakasyon. Sa Huwebes ang dating nito.

Aware si Cristy na live na magsasalita si Nadia sa The Buzz. Pumayag naman daw ito.

Walang pinalampas si Nadia. Isa-isa niyang sinagot ang akusasyon ng kampo ni Cristy at Mommy Rose.

What made Nadia more emotional ay ang pagkakasira ng friendship nila ni Gretchen Barretto na aniya, kagagawan ni Cristy.

Pakiusap ni Nadia kay Cristy, “Tigilan mo na ang mga paninirang ginagawa mo sa mga artistang walang kalaban-laban.”

According to Nadia, she hopes na maayos ang alitan nila ni Gretchen.

Handa na din si Nadia sa mga sasabihin ni Cristy pagdating nito sa Thursday.

Pero ani Nadia, marami pang isyung sasabog laban kay Cristy.

Kung saan hahantong ang controversy na ito, walang nakakaalam. One thing is sure, hindi namin bibitawan ang chapter na ito.

Freshly-Squeezed!

GABBY OFFICIALLY DROPS ROSE FLAMINIANO AS MANAGER

Exclusive: Copy of the letter sent by Atty. Fortun to Mrs. Flaminiano

MAINIT na pinag-uusapan sa showbiz ngayon ang sigalot between Gabby Concepcion at Rose Flaminiano. Lahat ay gustong makakuha ng fresh info sa latest showbiz controversy na ito.

Both Gabby and Mrs. Flaminiano have opted not to speak up YET.

Pero dito sa www.showbizjuice.com, WE’RE FIRST!

Narito na ang kopya ng sulat ng lawyer ni Gabby na si Atty. Fortun kay Mrs. Rose Flaminiano na nagpapa-terminate ng kanilang business relationship.

Heto na.

Read n’yo na lang.

ej1 218x300 GABBY OFFICIALLY DROPS ROSE FLAMINIANO AS MANAGERej2 218x300 GABBY OFFICIALLY DROPS ROSE FLAMINIANO AS MANAGERej3 218x300 GABBY OFFICIALLY DROPS ROSE FLAMINIANO AS MANAGER

Posted on Saturday, September 13, 2008, 03:51pm
Tags: , ,
46 comments na and growing! Join na!

Ripe for Picking!

GABBY, GUSTO NANG KUMALAS KAY MOMMY ROSE

09082008 gabbybabay 300x225 GABBY, GUSTO NANG KUMALAS KAY MOMMY ROSEHe wants transparency sa kinikita niya

WE saw it coming!

At mukhang tuloy na ang paghihiwalay ng landas nina Gabby Concepcion at business manager nitong si Mommy Rose (Flaminiano).

True kaya na maraming nabuking si Gabby sa pamamaraan ng pakikipag-deal ni Mommy Rose sa kanyang mga projects.

Gusto ni Gabby na malinaw ang accounting ng lahat ng kinikita niya.

Aba, dapat lang naman, no! May masama ba kung gustong malaman ni Gabby kung magkano ang kinikita niya sa bawat projects na ginagawa niya? E siya itong nagpapakakuba sa pagtatrabaho, no!

Gabby must have discovered something fishy.

O again, dito sa showbizjuice.com n’yo unang nabalitaan ito ha.

Wait tayo kapag nag-explode na ito sa showbizlandia.

Posted on Monday, September 08, 2008, 11:00am
Tags: ,
19 comments na and growing! Join na!


Bookmark and Share