Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
Paparazzi shot ng ating juicer na NASA LOOB ng simbahan!– taray!

Judy Ann at Ryan, Kasal Na!
Kasal na nga sina Judy ann at Ryan Agoncillo. Naganap ‘to sa Batangas kaninang Umaga!
Kasali sa mga ceremonies ang closed friends at relatives sa super-secret, well-planned na mga kaganapan that took them months to form!
Surprisingly, Kasalo din daw si Tito Alfie Lorenzo who has been very vocal sa pagkontra sa pag-iisang dibdib ng dalawa.
More details later!
CHERIE GIL, HIWALAY NA KAY RONI ROGOFF
Hindi na matutuloy mag-migrate sa Israel
ANO ba? Pang-apat na news na ito sa balitang hiwalayan!
At yes, sabi ng aming ever-reliable source, split na ang mahusay na aktres sa asawa nitong Israeli na si Roni Rogoff.
Matatandaan na year 2004, nabalita ding bound for splitsville na sina Cherie at Roni pero naayos nila ang problema.
But this time, it’s for real.
Cherie and Roni have 2 kids — sina Raphael and Bianca.
Ang sabi pa ng source ko, Cherie will be very active sa television. She agreed to accept the role to play Ryan Agoncillo’s mom in Pieta, a new ABS-CBN soap opera.
Tsk, tsk, tsk.
Sad naman kapag ganito katagal ang relasyon at nauuwi din sa hiwalayan.
ANGELICA, SAYS NO TO BE RYAN’S LEADING LADY
Dahil minsan nang tinarayan ng manager ni Juday!
HINDI tinanggap ng Star Magic ang role na in-offer kay Angelica Panganiban na maging leading lady ni Ryan Agoncillo sa Pieta. May kinalaman dito si Alfie Lorenzo. Ang katuwiran ng Star Magic, hindi pa din nila makalimutan ang ginawang panlalait ni Alfie kay Angelica nang gawin nito ang Ysabella.
Katakut-takot na panlalait ang tinanggap ni Angelica mula sa manager ng fiance’ ni Ryan.
Kasi nga naman, kapag tinanggap ni Angelica ang role, mauulit na naman ito at hindi na kakayanin ng aktres ang pagtataray ng manager ni Juday.