Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
WHAT’S THE FUSS NAMAN ABOUT THE P3M BAG NI SHARON AT P1M BAG NI RUFA MAE QUINTO?

May mga chikaness namang lumalait sa mga finefeature ng favorite naming show ngayon na SNN na kung bakit daw napaka-untimely ng pag-fea-feature ng mga mamahaling gamit ng mga artista like yong yacht ni willie, ang P1M bag ni Rufa Mae, P3M bag ni Sharon etcetera, etcetera.
Sa true lang, di ba sa pagka super hard ng life ngayon, di ba inspiration ang mga achievements na ito, material man, dahil super hardworking tong mga artistang to?
Tsaka they bought those stuff naman to reward themselves for all the hard work. na ginagawa din naman natin sa ating mga selves right?
At haller, hindi naman nila nakuha yan sa pangungurakot devah? They are hardworking people.
Sa mga tabs dyan na write ng write para lang makapanira, hindi kaya dahil super winner sa ratings ang SNN, pati na rin ang MMK (read previous article.).
Or dahil naiinggit lang?
Yun lang poh ulit! nagtatanong lang pow!
SHARON, IMBYERNA KAY ANNE CURTIS!
Heard namin na juice na bwisit na bwisit daw ngayon si Megamom Shawie kay Dyosa star Anne Curtis! Concentrated ang anger!
Na-heard daw ni Mega thru friends na bina-badmouth daw ni Dyosa si KC Concepcion kaya naman luminya daw si Shawie na, “HUWAG NIYANG IDAMAY ANG ANAK KO SA MGA PROBLEMA NIYA KAY SAM (MILBY)! KUNG HINDI AKO ANG MAKAKALABAN NIYA. KUNG SAKALING LIGAWAN NI SAM ANG ANAK KO, KASALANAN BA NIYA ‘YON???!!!!”
Taray!
Naku lagot Anne, choose your battles sweetheart!
SHARON AT KC, FLY NG HONGKONG
SUMABOG ang issue sa hiwalayang Sharon Cuneta and Kiko Pangilinan.
Naging laman ng diyaryo ang diumano paghihiwalay nina Sharon at Kiko Pangilinan. Hindi pa clear kung totoo ito at ang involvement ng ilang tao.
The day na sumabog ang isyu, lumipad papuntang Hong Kong ang mag-inang Sharon at KC.
Siyempre, the first person na iiyakan ni Sharon sa kanyang problema ay ang kanyang darling KC.
Balitang devastated ngayon si Sharon.
MAY “MEGA” HEADACHE NA SI KAWAWANG KC
Ini-stress out ng bonggang-bongga ni Mega!
KUNG akala natin ay tapos na ang pressure sa buhay ni KC Concepcion, after that Buzz tell-all kuning interview, nagkakamali kayo. Dahil mas naging matindi ang pressure ngayong kay KC
At ang rason? Ang mommy niyang si Sharon Cuneta!
From a reliable source, nag-request pala si Mega ng copy ng nasabing Buzz interview ni KC. For some reason, gustong ma-review ni Mega ang mga sinabi ni KC sa interview. And guess what? Hindi nagustuhan ni Sharon ang statement ni KC na gusto nitong makita ang Papa Gabby niya sa premiere night ng movie nila ni Richard.
Yes, very much against si Mega sa statement na yun ng anak. Kaya ngayon, ang pobreng KC, naghihirap ang kalooban dahil sa sobrang pressure.
SHARON, NAKALIMUTANG MAG-EMYAS (MAKE-UP)?!
O baka naman ‘yun ang gusto niyang look? Para dramatic!
Na-bother talaga kami when we saw Shawie sa eulogy services ni Daboy. May something lang na napansin ko at marami ang nakapansin, huh! Siya ba ang widow? Wala ba siyang time makapag-ayos man lang? Aba, aba! Kitang-kita ang naglalakihan niyang eyebags, huh!
E kung ang widow nga na si Lorna e, kahit papa’no, she presented herself well. We all know how much pain LT is going through pero maayos siyang humaharap sa tao.
Naku, Sharon, next time naman, kapag alam mong haharap ka sa maraming tao, konting powder at lipstick naman.
Gawing bestfriend si Mac (o kahit si Ever Bilena!)!