Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
KC AT RICHARD, ‘DI MAGKASUNDO SA STORY NG MOVIE NA GAGAWIN SA GMA FILMS
Parehong gustong masunod!
KALOWKAH naman this story shared by our ever-reliable source. Hindi daw magkasundo sina KC Concepcion and Richard Gutierrez sa story ng movie where they’re teaming up under GMA Films.
First, it was Richard who complained about the story. He demanded for some changes. Of course, ibibigay kay Richard ang demands nito being the Kapuso network’s prime artist.
When it was presented to KC, eto naman ang mega-complain. She wants some changes and revisions too.
Kaya daw nalolowkah na ngayon ang writer/director nito na si Joey Reyes dahil sa pakikialam ng dalawang bidang artista sa script niya.
And till it’s settled (the kaguluhan sa script), hindi magsisimulang mag-shoot ang movie. What if mabuwisit si Joey at hindi gawin tapusin ang script at ‘di gawin ang movie? Yun ang mas nakakalowkah!
Deva, mga ineng?!
VILMA, LORNA PIPIRMA NG KONTRATA SA ABS-CBN AT STAR CINEMA!
In fernez!
Back-to-back na pirmahan ang magaganap tomorrow sa ABS-CBN, chinika sa amin ng isang insider doon.
Si Gov, pipirma na para sa pelikulang gagawin niya sa Star Cinema, na ishu-shoot sa New York with John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Si Olive Lamasan ang direktor. Lunchtime pipirma si Gov.
Si LT naman, wala na talagang makakapigil sa pagbabalik sa bakuran ng kapamilya network. heard namin na 2-movies at 2-teleseryes ang pipirmahan niya. Nagpaalam naman daw ito sa GMA na pinayagan naman siya. Dinnertime naman ang schedule niya.
Sabagay, sa ABS talaga sumikat si LT via Kay Tagal Kang Hinintay. Na-miss niya siguro ang mga de-kalibreng drama katulad non.
Yun na!
ANGEL LOCSIN, NAAKSIDENTE!
Namaga ang mata at mukha
NAGKAROON ng freak accident sa set movie nila Piolo Pascual at Angel Locsin sa Bukidnon. Sa isang eksena, na-whip ni Angel ang mukha nito at tinamaan ang mata.
Mismong mga tagahanga ni Angel ang naghatid sa amin ng balitang ito via email.
“Sumobra yung turn niya and na-miscalculate ‘yung turn kaya na-whip niya ang mukha niya at tinamaan ang mata. Namaga ang mata niya and she was rushed sa hospital,” sabi ng portion ng email.
Dahil sa nangyari, na-extend ng 2 days ang stay ni Angel sa Bukidnon.
“Good thing, alert ang staff ng Star Cinema. Kaya nadala agad siya sa nearby hospital,” dagdag na impormasyon sa amin.
Magaling na si Angel at humupa na ang pamamaga ng mukha at mata nito.
BOX OFFICE RESULT NG I.T.A.L.Y., KADUDA-DUDA!
OA sa padding, huh!
Noong September 19, kumalat ang text messages tungkol sa 1st day gross ng I.T.A.L.Y., ang movie nina Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Eugene Domingo at Rufa Mae Quinto.
Narito ang laman ng text message na nakuha namin from our reporter friend/source:
“GMA Films P35 million budget cruise comedy I.T.A.LY. grosses a phenomenal P17 million on its 1st day of showing. The opening day gross surpassed GMA Films’ expectation,” said Anette Gozon.
“Even surpassing the P14 million opening day gross of Star Cinema/Viva Films’ A Very Special Love. We are now at the top with the future really bright for GMA.”
Conflicting ito sa report na nakuha namin sa aming source, na naka-P281,000 ito as of 3pm (on opening day). Exaggerated naman yata ang pag-shoot up ng figures.
That same day, we got a feedback from another reporter/friend, “I’m here at Glorietta, 8 lang kaming nanonood dito sa sinehan! Nakakaloka!”
P17 million sa 1st day? Naku, GMA Films, aminin ang katotohanan! Don’t lie to us!
BARON, TSINUGI NI CHITO RONO SA MOVIE
Dahil nag-extend ng stay sa Venice
HINDI na nahintay ni Chito Rono si Baron Geisler kaya pinalitan na ito sa pelikulang T2 topbilled by Maricel Soriano sa Star Cinema.
Si Baron sana ang gaganap sa very challenging role sa said movie. Nag-commit naman ito. At nang kailangan nang mag-shoot, ayun at nag-extend pala sa Venice at nagpapakasarap.
Walang sinabihan si Baron na extended ang stay niya sa Venice. Wala siyang pakialam kung kailangan na siya sa shoot.
Kaya ang ginawa ni Chito, pinalitan na niya si Baron.
He was replaced by Eric Fructuoso.
RUFFA OPTED TO STAY WITH THE KAPAMILYA NETWORK
Kahit may P2 million contract offer from Kapuso
NOW it can be told! Ruffa opted to stay with the Kapamilya network. Nag-expire na ang contract ni Ruffa with ABS-CBN and right away, in-offer-an ito ng Kapuso network. Or shall we say, “sinusulot na agad” ng GMA si Ruffa sa ABS-CBN.
A whooping P2 million guaranteed monthy fee ang offer kay Ruffa. Ipinarating agad ni Annabelle Rama ang offer kay Ruffa.
But the beauty queen-TV host-actress opted to stay with ABS-CBN.
From a reliable source, nagdayalog daw si Ruffa ng, “MOMMY, TAHIMIK NA ANG BUHAY KO SA ABS! I LOVE THE BUZZ! I LOVE BETTY LA FEA! HAPPY NA AKO SA ABS!
Pero eto na ang sad news.
Ruffa is no longer Bong Revilla, Jr.’s leading lady sa comeback movie nito sa Star Cinema. Una na itong nabalita pero the latest we heard ay hindi na siya.
How true na may kinalaman si Lani Mercado sa desisyong ito. Nakiusap ito sa Star Cinema na huwag si Ruffa ang maging lady ng asawa.
Sina Toni Gonzaga at Roxanne Guinoo ang dalawang pangalan na narinig namin na ipapalit kay Ruffa.