Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
CRISTY FERMIN, `DI IBABALIK SA THE BUZZ!
Kahit tapos na ang suspension ng contract.
TALKS are getting louder that Cristy Fermin is returning to The Buzz. It will be recalled that Cristy was suspended from the show due broadcast ethical reasons. Hanggang sa bumalik ang original host nitong si Kris Aquino.
Tapos na ang suspension ng contract ni Cristy. Kaya a lot of people are asking kung babalik ba ito sa The Buzz.
The answer is a big NO!
Says our source, “No, walang planong ibalik siya sa The Buzz. The program is doing well with Kris, Ruffa and Boy. So, it’s not true!”
So, there.
ANO ANG IBIG SABIHIN NG SILENCE NI KARYLLE SA ALLEGED PREGNANCY NI MARIAN??
May alam kaya siya?
KANINA sa The Buzz, Karylle took the hot seat in the Tough Ten segment. Nasagot niya ang lahat ng tough questions ni Boy Abunda.
Pero sa last part ng interview, when asked about the issue of Marian Rivera’s alleged pregnancy courtesy of Dingdong Dantes, isang ngiti lang ang sagot ni Karylle.
Makahulugan ang hindi pagsagot ni Karylle.
Does it mean na alam siya?
Yes, bulung-bulongan sa showbiz ang alleged pregnancy ni Marian.
Yun lang poh!
KRIS, RETURNS TO THE BUZZ THIS SUNDAY!
Ito ang clamor ng viewers!
THIS coming Sunday, magbabalik na si Kris Aquino sa The Buzz. According to our ever-reliable source, napag-decide-an na ang ABS management na ibalik si Kris sa show This is after ng suspension ni Cristy Fermin sa said talk show.
Ang decision ng ABS management to put Kris back in the show ay dahil na din sa requests ng ABS-CBN viewers. Mula nang ma-involve si Cristy sa iba’t ibang controversy, may clamor na ang viewers na ibalik si Kris sa show.
“It was tough to convince Kris to accept the offer,” explains our source. “First, she really wants her Sundays devoted to her family. ‘Yun lang naman ang isyu niya. Other than that, wala na.”
But since Kris is an original host of the show, she finally said yes.
So, this Sunday, expect Kris with Boy Abunda and Ruffa Gutierrez sa The Buzz. Join pa din daw sina Jobert Sucaldito at Phoemela Baranda bilang segment hosts.
CRISTY FERMIN, SUSPENDED SA THE BUZZ AT DZMM!
Nakakaloka ang mga kaganapan ano?
Nakakuha kami ng kopya ng statement ng ABS-CBN (at pati TV Patrol unahan na namin!) Mukhang may pumalag na mga sectors, heard namin, ang advertisers din nagreklamo tungkol sa mga statements ni Cristy last last Sunday.
Heto ang statement ng ABS-CBN (thanks sa aming source!)
“Ang kontrata ni Ms. Cristy Fermin bilang host ng The Buzz sa ABS-CBN Channel 2 at anchorperson ng Showbiz Mismo sa DZMM ay sinuspinde hanggang December 31, 2008.
Ang suspension ng talent contracts ni Ms. Fermin sa ABS-CBN Broadcasting Corporation ay may kaugnayan sa mga pahayag niya sa episode ng The Buzz noong October 5, 2008. Ang aksyong ito ni Ms. Fermin ay lumabag sa ilang probisyon ng kanyang kontrata.
Nilabag din ng aksyon ni Ms. Fermin ang mataas na batayan ng propesyonalismo at integridad sa pamamahayag. Ito ay nagdulot ng kapinsalaan hindi lamang sa kanyang pangalan at kredibilidad, kundi sa programang The Buzz at ABS-CBN.”
Kaloks! Sa malamang may kinalaman pa rin to kay Nadia Montenegro ano?
NADIA MONTENEGRO NIRESBAKAN SI CRISTY FERMIN
Suko na sa paninira ng TV/radio host/columnist
HINDI na nakayanan ni Nadia Montenegro ang paninira nina Cristy Fermin at Mommy Rose Flaminiano. Nagsalita na si Nadia dalawang talk shows. Una sa Startalk. The following day sa The Buzz.
Nadia was highly-emotional habang kausap ni Boy. It happened na nasa Canada si Cristy para sa ilang araw na bakasyon. Sa Huwebes ang dating nito.
Aware si Cristy na live na magsasalita si Nadia sa The Buzz. Pumayag naman daw ito.
Walang pinalampas si Nadia. Isa-isa niyang sinagot ang akusasyon ng kampo ni Cristy at Mommy Rose.
What made Nadia more emotional ay ang pagkakasira ng friendship nila ni Gretchen Barretto na aniya, kagagawan ni Cristy.
Pakiusap ni Nadia kay Cristy, “Tigilan mo na ang mga paninirang ginagawa mo sa mga artistang walang kalaban-laban.”
According to Nadia, she hopes na maayos ang alitan nila ni Gretchen.
Handa na din si Nadia sa mga sasabihin ni Cristy pagdating nito sa Thursday.
Pero ani Nadia, marami pang isyung sasabog laban kay Cristy.
Kung saan hahantong ang controversy na ito, walang nakakaalam. One thing is sure, hindi namin bibitawan ang chapter na ito.
WENDY AIRS HER SIDE: “WAG N’YO AKONG GAWING LIBANGAN!”
Iniyakan ang kaliwa’t kanang intriga
BUMIGAY na si Wendy Valdez sa kaliwa’t kanang intriga sa kanya!
Kanina sa The Buzz, Wendy airs her side sa intriga sa kanya at kay GKNB host Edu Manzano.
‘Yun ang unang pagkakataon na nagsalita si Wendy tungkol sa controversy.
And we’re proud to say, the news first broke here in www.showbizjuice.com. At walang denial na nangyari, huh!
Inamin ni Wendy na umiyak siya. Na nag-walk out siya dahil naniniwala siyang tama siya.
Really, our sources don’t fail!
Kanina, iniyakan ni Wendy ang mga intriga sa kanya.
Sinimulan niya noong PBB days pa niya. Ito ay dahil lang daw sa isang pagkakamali.
“Gabi-gabi, umiiyak ako! Hindi ko alam kung ano ang ginawa kong mali” sabi ng controversial star.
Pakiusap nito sa kanyang detractors, “Huwag n’yo akong gawing libangan!”
You be the judge.
Kung misinterpreted lang ba si Wendy or sadyang may attitude problem talaga ito.
RUFFA, IBINUKING NI JOYCE JIMENEZ ANG FREQUENT TRIPS SA BEIJING
Kaya hindi naka-attend ng kasal ng former sexy star
BUKING na buking si Ruffa Gutierrez kanina sa The Buzz. She must have regret interviewing Joyce Jimenez. Dahil sa sexy star nanggaling ang confirmation na madalas nga si Ruffing sa Beijing, China.
Joyce tried to get hold of Ruffa para ibigay ang invitation nito sa kanyang kasal but Joyce was told na nasa Beijing ang TV host-actress.
Again, dito unang lumabas ang news na Beijing-based ang bagong boyfriend ni Ruffa.
But in one showbiz site, Ruffa denied about the guy. Though very vague ang said denial. Not direct though.
We wonder. Bakit hindi ma-admit ni Ruffa ang kanyang bagong boyfriend?
Just like most of the showbizjuicers say, she deserves to be happy too!
CRISTINE REYES, NAG-DRAMA NA NAMAN!
Hindi nauubusan ang hitad ng gimik!
Cristine strikes again! Nag-drama na naman ang hitad. At pinili talaga niya ang ocassion, huh! Sa trade party ng Kapamilya network napagtripan ng hitad na mag-drama!
Ganito yan…
Sa backstage ng SMX (where the event was held), Cristine agreed to be interviewed. Naroroon ang crew ng TV Patrol, The Buzz at E Live! Siyempre, event nila yon, no! Alangan namang may mga Kapuso crew do’n! Anyway, during the interview, nagpapakita na ng kahitaran ang potah! Barbie (as in barubal na ito sumagot!) more…
AUBREY MILES AAMININ NA ANG UNANG ANAK
Dapat lang, no! Kawawa naman ang bagets!
NO show muna si Aubrey Miles sa mga showbiz functions. Dahil she is heavy sa first baby nila ni Papa Troy! If I am not mistaken (I hardly make mistakes, hahahahaha!), 6 months na ang ipinagbubuntis ni Aubrey.
May i-guest nga muna ito sa The Buzz to announce her pregnancy (courtesy of Papa Troy). Since then, wiz na muna appear si Aubrey sa mga showbiz function.
At sa mga close friends ni Aubrey, she was quoted as saying, “Kapag nanganak na ako, aaminin ko na yung unang anak ko!”
Ang bongga, di ba?
Kasi nga naman, kahit magkatadtaran na ng buto, hindi ito inamin ni Aubrey!
Advance congrats, Cristy Fermin! Vindicated ka kapag nangyari ito!