Hi Juicers!
The response has been really, really overwhelming!
Salamat po sa inyong pagbabasa, sa inyong pakikichika, o pakiki-juice!
Juice ko! Super flattered kaming sumisilip kayo sa aming mumunting project! Bumibigtime na tayo ano?
Salamat din sa mga shows na gumegets ng storya sa amin. At salamat sa decency na i-quote kami ano! Magpapa-cheeseburger kami soon!
Sa mga nanlalait naman, thank you din! Kasi ibig sabihin napapansin ang amng little efforts.
Pero ito ang juicy truth ha:
Una, di kami nakikipag-contest sa anumang websites, so please po, wag naman pong i-compare. Salamat at nilelevel kami sa mga super-pro na sites, pero kami ay hamak lamang na mga chismosa. Pero chismosang juicy truth lang ang nilalabas anoh!
Second, we believe in self-moderation, so kung napapansin niyo pong 'di lumalabas ang mga comments niyo, aba e, baka you need to check before you post, baka di pambagets ang inyong naiitype! Pero sa juicy chika, di kami magpapacensor!
Last, basta enjoy lang kayo, read lang ng read! Aminin mo, nauuna kayo talaga here in fairness! Idenay man ang chika, care?! Basta nabalitaan at nai-chika sa amin, kung tru naman at reliable, why not divah?
So basa na ulit! Go!
VALERIE, SIPSIP KAY WILLIE
Scared ito na mataggal sa show just like Precious Lara!
OVER pala sa pagka-sipsip nitong si Valerie Concepcion kay Willie Revillame!
Lahat gagawin nito para maganda ang image niya sa kanilang bossing sa Wowowee!
At ang the height ng ka-cheap-an nitong si Valerie, araw-araw ay kalde-kaldero’ng ulam ang dinadala nito para kay Willie!
Biruan nga ng staff kapag isa-isa nang nagdadatingan ang mga kalderong dala ng mudra ni Valerie, “Ay, may pa-catering na naman!”
Careful as in kwidaw ngayon ang buong staff ng Wowowee kay Valerie. Scared ang mga ito na magsalita anything against Willie sa presence ni Valerie, dahil tiyak na makakarating ito sa male host!
ANO BA TALAGA ANG PROBLEMA MO, JOEY DE LEON?
Pati ang nananahimik na si Pokwang pinatulan mo!
HINDI siguro in-expect ni Joey de Leon na makakarating sa Pilipinas ang mga nasty comments niya tungkol sa Wowowee nang mag-show ang tropa ng Eat Bulaga sa Los Angeles, California kamakailan.
Matapos ma-upload sa youtube.com ang video na tinawag ni Joey na “Pokwang Aswang” ang comedienne/TV host na si Pokwang, umaani ngayon ng panlalait ang Eat Bulaga host dahil sa kanyang statement.
Nakakalokah!
Sa comments section ng said video, katakut-takot ang panlalait kay Joey dahil sa kanyang sinabi against Pokwang.
Sa episode ng Wowowee noong Lunes, ipinagtanggol ni Willie Revillame ang kanyang lady co-host. Hindi napigilan ni Pokwang na maluha.
Hindi na talaga maawat ang kabastusan ng bibig ni Joey.
Ano ba talaga ang problema mo, Joey?